Habang nasa meeting si Sadie ay may biglang dumating na delivery rider sa opisina na may dalang bulaklak. "Para kanino 'yan?" nag tatakhang tanong ng manager ni Sadie. "Kay miss Sadie po ma'am," naka ngiting sagot ng delivery rider. Agad namang napa tingin ang manager ng dalaga kay Sadie nang may nag tatanong na ekspresyon, agad namang nag kibit balikat si Sadie dahil hindi rin niya alam kung kanino galing ang mga bulaklak na natatanggap niya. "Hindi ko alam kanino galing," nata tawang sambit ni Sadie. Na tawa naman ang manager niya sa sinabi niya at bahagyang umiling. "Hay nako, baka naman galing kay Ethan 'yan?" tanong ng manager niya pagka alis ng delivery rider. Agad namang nag kibit balikat si Sadie dahil waala talaga siyang ideya ung sino ang nagpapa dala sa kanya ng bulaklak

