Sumakay na ako sa elevator pababa ng condo ni Yani. Pumapatak pa rin ang mga luha ko. Ang sakit... Mahal na mahal ko kasi talaga siya. Hindi ko naman inasahan na mahuhulog ako sa kanya. Hindi ko rin inasahan na lolokohin niya ako ng ganito. Nagmahal ako ng totoo, sobrang sakit pala ng maloko. Pagbukas ng elevator ay nagulat ako dahil tumambad ulit sa akin si Yani. Nagkatitigan na lang kaming dalawa. Depress na depress ang hitsura niya. Dumudugo din ang gilid ng mga labi niya dahil nasapak ko siya. Honestly, naaawa talaga ako sa kanya; pero naaawa rin ako sa sarili ko. Hinatak niya ako palabas ng elevator at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Makinig ka muna sa akin, Luther. Please, I'm begging you..." Pakiramdam ko ay mas nasaktan ako nang marinig ko ang boses niya. Awang-awa na talag

