Chapter2

1450 Words
"Miss ang ingay mo! Nakakarindi na ang panget mong boses! Kahit anong sigaw mo d'yan. Walang makakarinig sa'yo! Mapapaos ka lang!" sabi ng isang lalaki. "Pakawalan n'yo na ako please!" sigaw ko ulit. Bahala sila makulitan sa akin, basta pakawalan lang nila ako. "Tss. Bahala ka mag-ingay mapaos ka sana!" sabi ng isang masungit na lalaki at inirapan ako. Ay ang taray. Mas mataray pa s'ya sa babae. "Please... pakawalan n'yo na ako! Wala kayong makukuha sa'kin, mahirap lang kami wala na akong magulang ulila na ako. Pakawalan n'yo ako please! Wala talaga kayong makukuha sa'kin. Ganda na lang talaga ang meron ako!" palahaw ko pa, bahala sila marindi. "Miss. Hindi naman pera habol namin sa'yo at saka anong sabi mo? Ganda lang meron ka? Saan banda?" sabi ng isang lalaking manyak. Kun 'di pera ang gusto nila? Eh ano? Gosh! Huwag naman sana. "Huwag n'yo naman kunin ang virginity ko. Please... bata pa ako! Maawa na kayo! Gagawin ko ang lahat huwag n'yo lang kunin ang ka-isa isang iniingatan ko!" ani ko, natatakot ako sa iniisip ko. "Tss. Alam mo? Hindi ka naman ka-rape rape kasi hindi ka maganda! Maganda lang gusto kong tikman at syempre 'yung may roong malaking hinaharap! Meron ka ba no'n?" sabi ng Manyak na ito. Ano'ng sabi nito? Ako hindi maganda? Sabi ng nanay ko maganda raw ako? Hindi ko lang alam kung nagsisinungalin si mama. "Ano'ng sabi mo hindi ako maganda?" inis na tanong ko. Sinamaan ko nga s'ya ng tingin. "Parang gan'on na nga! Panget, in short!" aba't bulag pala 'to? Hindi makita ang kagandahan ko duhh! Ang ganda ko kaya! Go self push mo 'yan. "Buwisit ka sabi ng nanay ko maganda ako!" inis na ani ko. Tumawa naman ito ng malakas. Nababaliw na siya, wala naman nakakatawa sa sinabi ko tch. "Naniwala ka naman?" Argh, buwisit s'ya. Nagtawanan naman ang dalawang ugok, cute ang isa at mukhang basugalero naman 'yung isa. "Buwisit ka maganda ako! 'Pag nakawala ako rito may batok ka sa akin!" pagbabanta ko, gosh! Sige lang Shairly galitin mo pa sila para mategi ka na talaga. "Shut you're dirty mouth, Woman! O gusto mong patayin na kita? Para manahimik ka na!" ani ng masungit na lalaki, kaya naman sobra akong kinabahan. Gosh! Ayoko pa mategi, bata pa ako. Grabe naman ang lalaking ito, masungit na napakamainisin eh. "Sabi ko nga tatahimik na ako, ayoko pa mamatay ng birhen!" ani ko at sinarado ang bibig, hindi na talaga ako magsasalita promise. "Really? You're a vigin? Gusto mo ako na maka-birhen sa'yo?" ani nito at natatawa pa. Ang manyak ng taong 'to. Kahit maubos na ang lalaki sa mundo, hindi ang katulad n'ya ang gusto kong maka-una sa akin. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, ayoko lang sa manyak na kagaya n'ya. "Ayoko nga! Hindi ang katulad mo ang gusto kong maka-una sa akin! Patayin n'yo na lang ako!" maarting ani ko. "Boom! Panis ka pre! Wala ka pala eh! Panget ka kasi!" pang-aasar naman ng mga kaibigan nito. "Manahimik nga kayo! Wow naman hiyang-hiya ako sa'yo babae! Lakas mo tumanggi akala mo naman maganda ka!" aniya, kaya naman naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Geezz nakakainis siya. "Maganda kaya ako!" sigaw ko, proud lang talaga ako sa sarili ko. Kaya ang laki ng confident ko, 'yun kasi ang sinabi sa akin ni mama. "Puwede, manahimik ka na kung ayaw mong pasabugin ko 'yang mukha mo. Dahil sa ingay mo hindi ko na maintindihan itong pinapakinggan kong kanta tss!" banta sa'kin ng masungit na lalaki. Ayaw ko pa talaga mamatay kaya nanahimik na ako. Manahimik ka na Shairly kung ayaw mong mamatay ng birhen. "Can you please? Shut up you're f*cking dirty mouth or I shoot you're head!" sigaw ng isang kakagising lang na Leon. Ang tulugin Naman nito Magdalena lang tulog sa umaga gising sa gabi. Sumasayaw yata ito sa Ermita eh. Joke lang! "Ayan kasi ang ingay mo nagising tuloy ang Magdalena!" ani Mr. Manyak. "Magdalena n'yo mukha n'yo mga ulul!" sigaw ng lalaking tulugin tapos natulog ulit. Ay wow walang kasawaan matulog, kahit saan siguro ito natutulog baka pati sa kubita natutulog s'ya? "Ano'ng gusto mong itawag namin sa'yo? Sleeping beauty?" tanong ng mukhang Basugalero, paano ko nasabi? Puro pasa kasi ang guwapo n'yang mukha. Sayang naman! "Nand'yan na si boss!" sigaw ni Mr. Cute, ang cute n'ya talaga 'yung chicks n'ya ang sarap pisilin. Pumasok ang tinatawag nilang boss, hindi ko makita ang mukha nito dahil med'yo madilim. "Where is she?" tanong ng boss nito, sobra naman akong kinabahan. Ang lamig kasi ng boses niya eh. "Ayon s'ya boss! Sige aalis na kami!" paalam ni Mr. Manyak at umalis na sila, pinuntahan naman agad ako nang sinasabi nilang boss. Habang papalapit ito sa'kin mas nakikita ko na nang malinaw ang mukha nito. Ang guwapo n'ya, Gosh! May grey na mga mata ito at may kilay na buhaghag na bumagay rito, then ang puti n'ya para s'yang bampira. 'Yung ilong nito ang tangos at ang lips n'ya ang kissable, puwede pa-kiss bago ako mamaatay? Shairly Ang landi mo mamatay ka na e--h! Pero wait may kamukha s'ya? Teka isip-isip... gosh! O no! S'ya 'yon! Isa s'yang mafia boss, s'ya ang kinakatakutan nang lahat kasi brutal s'ya pumatay. Gosh! Bakit ako kinidnap nitong mafia boss na 'to? "Who are you?" tanong n'ya sa'kin, nakakatakot naman ang tono ng boses n'ya. Para s'yang papatay ng tao galit na galit nanlilisik pa mga mata nito. Gosh! Dahil hindi agad ako nakasagot sa tanong nito, naglabas na s'ya ng baril at kinasa ito at tinutok sa ulo ko. Gosh huwag naman sana akong patayin ng taong ito. Bakit ba ang mga lalaking kagaya nila ang mainipin, hindi lang nakasagot agad makatutuk ng baril wagas. "I said! Who the f*ck are you!" may galit na tanong nito. "Ako? Ahmm... Sino ba ako?" ma-ang maangan na ani ko, kinakabahan na ako wala na'ko sa focus kung ano ano sinasagot ko. Shairly umayos ka mamaya tuluyan ka na talaga n'yan. "I'm not joking b***h! I said onces a again, who the f**k are you? Sasabihin mo or I will kill you?" banta nito sa'kin na nakapag pataas ng balihibo ko sa takot. "S---Shairly!" kinakabahan kong sagot, ang lamig kasi ng awra niya. "Alam mo ba kung bakit narito ka?" Ab'ay sa'kin n'ya tinatanong? Loko pala 'to eh. S'ya nga nagpa-kidnap sa'kin, kun'di rin sira ulo ang taong 'to eh. Bakit kaya ako nito pinakuha? Hindi kaya ibebenta n'ya ako? Gosh! "Eh loko ka pala eh! Bakit mo ako tinatanong? Ikaw kaya nagpa-kidnap sa'kin! Malamang hindi ko alam kung bakit ako narito! Ano bang balak mong gawin sa'kin ha? Ibebenta mo ba ako? Bakit naghihirap ka na ba? Para mang-kidnap nang kagaya kong mahirap na ganda lang ang ambag sa mundo! Nakikita kaya kita sa pahayagan, hindi ka naman naghihirap ah?" nahingal ako sa mga sinabi ko. Tumalim naman lalo ang tingin nito sa akin. "Shut up, Woman! Hindi kita kinuha para ibenta! Pero puwede rin naman kung hindi mo mababayaran ang utang mo sa'kin!" aniya at ngumisi sa'kin. Gosh, wala akong maalala na nangutang ako sa taong 'to. "Hoy Mr! Kung sino ka man! Wala akong matandaan na may utang ako sa'yo! Hindi nga kita kilala!" sigaw ko rito. Sa isang katulad niya? Hindi ako mangangahas na utangan siya no? Parang kapag 'di ka nakapagbayad agad sa kaniya, papatayin ka agad eh. "Really? Kung sabihin ko sa'yong nang dahil sa katangahan mo nasira ang wind shield ng kotse ko!" galit na ani nito, nanlilisik pa ang mga matang nakatingin sa'kin. Oo nga pala naalala ko, may kotse akong nasira. Ang tanga ko talaga, kotse pala n'ya ang nasira ko. "Sa--yo 'yon? Sorry hindi ko naman sinasadya, aksidente lang ang nangyari! Magkano ba ang nasira k--- hindi na ako nito pinatapos magsalita nang sumungit na ito. "100k pesos! So ano may pambayad ka?" nakangising tanong nito. Gosh! Ang laki naman, parang hindi ko kayang bayaran 'yon kahit magtrabaho pa ako ng ilang taon. "Are you serious? 100k?" gulat na tanong ko. Wala bang ibaba ro'n? "Yeah! So pay now or you're die?" "Mister. Paumanhin ngunit wala akong gano'ng kalaking pera na pang bayad sa nasira ko. Huwag mo akong papatayin please! Gagawin ko ang lahat mabayaran lang ang nasira ko!" ani ko at umiyak na. Nakakaiyak naman talaga ang 100k na utang gosh! Nakita kong ngumisi ito at lumapit sa'kin. "Are you sure? Gagawin mo ang lahat?" nakangising tanong nito. Napakagat labi naman ako, mukhang mapapasubo ako sa mga sinabi ko ah. Gagawin ko ang lahat huwag lang n'yang hilingin na ibigay ko sa kan'ya ang viginity ko. Hindi ako papayag ro'n. "Oo! Gagawin ko ang lahat!" determinado kong sagot. "Be my slave..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD