Maaga ulit akong nagising dahil balak kong pumunta sa company ni Ke, tapos dideretsyo ako sa company ni Mr. Korizaki dahil kakausapin ko ulit s'ya. Wala akong magagawa eh kahit ayaw kong makita s'ya kailangan para sa company na ilang taon kong pinag tatrabahuhan.. Lumabas na ako nang hotel at pumara ng taxi at sinabi ang lugar kung saan kami pupunta pagdating namin agad na akong bumaba at pumasok sa company. "Ano pong kailangan n'yo miss?" tanong nang isang babae na taga-check kung may appointment ako sa boss nila. "Kaibigan ako nang boss mo sabihin mo nandito si Shairly," "Ok miss," agad naman itong humawak ng telepono. "Sige salamat!" nakangiting ani ko. "Boss may bisita po kayo dito. Shairly raw ho ang pangalan n'ya, kaibigan n'yo raw!" ani ng babae. "Okey boss!" tumingin naman

