Kabanata 135 Harold’s POV Naninibago ako kay Lee ngayon, kasi noon hindi naman ito palagiang nakikipag-usap kay Marie. Nagpapansinan naman silang dalawa noon, pero may kakaiba lang talaga ngayon. Hindi ako nagtanong kay Lee. Baka nga naman may misyon siya, hindi naman lingid sa akin na ang pamilya ni Marie ay may illegal na negosyo. Kaya nga iyon ang naging dahilan kung bakit kami ipinaglalayo ni Marie. Dahil sa hindi magkapareho ang hangarin ng bawat panig. Matapos naming nagsusulatan ni Lee sa notes ko, ngayon ko napagtanto na wala nga siyang alam sa history ng eskwelahang ito. Maybe hindi pa niya alam ang tungkol dito. Ang mga ginagawa lang kasi ng MIT ay ang mga malalaking illegal na transaksiyon, lalo na at pampubliko ito, samantalang ang LIT naman ay kung kinakailangan

