Kabanata 131 Lee’s POV Ilang araw ring wala kaming pasok kasi nga kagagaling lang sa pagsabog ang aming paaralan. Pero ngayon, nagbalik na rin naman ang normal na klase, hindi na rin itinuloy ang Intrams. Sa umagang ito, hindi ko pa nakikita si Cindy, simula pa noong pagsabog. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Harold ay nilapitan ako ni Fe. “Excuse me, Lee.” Aniya na nakayuko at mistulang nahihiya. “Oh, Fe. Ikaw pala, may problema ba?” “Ahh, wala naman, pero---.” Napansin ko naman kaagad ang daladala nitong paperbag. “Para sa iyo nga pala,” iniabot naman niya sa akin ang supot. Hindi ako nakaimik, pero tinanggap ko naman ito, pero hindi maialis sa akin ang katanunungan kung bakit niya ako binigya

