JANE POV
Nagbihis siya sa harapan ko at bago siya umalis ay hinalikan niya pa ako sa labi ko ng saglit at nagsalita.
"Pagbalik ko dito, itatali kita at lalaspagin kita ng malala. Kaya wag mong tatangkain na tumakas! You are mine!"
Umalis na siya pagkatapos nito. Natulala ako ng ilang sandali hanggang sa maglaho siya sa harapan ko. Pag alis niya ay pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Kumain ako ng saglit at niligpit ko ang pinagkainan naming dalawa.
Muli akong umidlip at pagkagising ko nakita ko yung liwag sa bintan which means na maaga na. Kinapa ko kaagad yung cellphone ko nang mag ring ito. Tezza is calling me right now so I put my phone on my ear to answer her.
"Hello sis? Kamusta?" tanong ko.
"Nako ikaw Jane ha? Wala kang paramdam sa 18th birthday mo! Ano ito walang invited? I would love to come to your birthday party especially na debut mo pa ito! Nakakainis, akala ko ba ay friends tayo ha?"
Nalungkot ako, ito yung nagpaiyak muli sa akin. Iyakin pa naman akong babae at walang kasing sakit yung pinagdadaanan ko ngayon. But I need to lie to her kahit na ayaw ko itong gawin. I don't have any choice.
"Sorry Tezza, pero wala kasing pera ang parents ko upang i celebrate ang birthday party ko. Pasensya ka na ha? Mahirap lang kami at siguro kapag nagkatrabaho na ako ay magagawa ko nang idaos ang kaarawan ko."
"Nalulungkot ako para sayo sis. Noong bakasyon kasi ako nagdiwang ng debut ko at nag abroad kami ng family ko at pumunta kami sa disney land sa Singapore. But don't worry I am not here para mag painggit sayo."
Naiingit pa rin ako sa kanya. Sana all ay may nagmamahal na mga magulang at nabibigyan ng magandang kinabukasan. Sa estado ng aming mga buhay, ang layo na ng agwat namin ni Tezza subalit sa kabila nito ay tinuturing niya pa rin akong isang kaibigan kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanya.
"Tara i celebrate na natin ang birthday party mo sis!"
"No need na, masaya na ako kahit walang celebration promise!"
"Ano ka ba? Para 'tong timang! You know what? Sa lahat ng mga birthdays nating mga babae, yung debut ang pinakamahalaga sa lahat, of course siyempre pati na rin ang kasal natin. Dalawang yugto yan ng buhay natin na mahalaga. Tara na, sagot ko ang celebration mo. Let us go to a resort, sa resort namin sa Pansol. Wag ka na mag inarte ha? Sige ka, you know naman na mabilis akong magtampo sa mga taong ayaw sumunond sakin."
Grabe, akala ko ay tuluyan nang magiging impyerno ang buhay ko subalit may isang kagaya pa ni Tezza na mabait sa akin at naalala ang munti kong kaarawan. But the problem is, wala akong isusuot na damit kasi nasa bahay ang mga gamit ko. Bukod dito ay may cctv camera dito sa loob ng bahay.
Baka mayari ako kay Apollo kung lalabas ako dito kaya muli akong sumimangot. No matter how I think, I can't do something to leave this house. Masyado na akong nilalamon ng hiya.
"Sis? Can we do it some other time ha? Busy kasi ako ngayon," pagsisinungaling ko sa kanya.
"Nako ewan ko sayo! We need to celebrate it now kasi ito yung pinaka close na araw sa birthday party mo. I know you are lying to me na busy ka, but I am telling you na ako yung bahala sa magiging gastos. Ni singkong duling ay wala kang ilalabas. And this is not utang, I won't oblige you to pay me. Gets mo ba ha? Kita tayo sa school natin ng 2 pm at expect mo nang marami tayo. Minsan lang tayo maging teenager teh! Sulitin na natin ito kasi magiging busy tayo. Pero once you do not show up, then magtatampo ako at idadamay ko ang mga friends natin!"
She hangs up the call without even asking for my answer. It seems she takes no for an answer at nababahala ako. What do I do? Sumakit ang ulo ko bigla? I only have one thousand pesos in my wallet right now at ito yung allowance ko for a few days na kaylangan kong tipirin.
Ano ang mas mangingibabaw sa akin? Yung takot ko kay Apollo o yung takot ko kay Tezza? I know her very well, sadyang matampuhin siyang babae at kapag nagtampo siya, dinadamay niya ang iba naming mga classmate. Then suddenly may nag pop up na message galing kay Tezza ulit.
"Sasama si Denis and he is expecting you. Di ba manliligaw mo siya? Ako na ang gumawa ng paraan para magkita kayong dalawa! Be thankful to me so wag talk s**t okay? Uuwi naman tayo ng mas maaga! We just need to celebrate your debut!"
Napangiti ako, kinilig ako ng banggitin niya si Denis. He has been courting me at balak ko na sana siyang sagutin ngunit dahil sa lintik na kasunduan ng mga magulang ko kay Apollo ay baka kami na. I don't want to lose him, Denis is a handsome guy na may sense of humor. Mabait at disenteng tao, and more importantly ay kaedad ko siya at mas bagay kaming dalawa.
I no longer care about Apollo. Tama ang sinabi ni Tezza, I need to do what I want in life at minsan lang ang ganitong experience. I can still make some good memories with my friends especially with Denis. Inayos ko ang sarili ko, kumain ako at ginamit ko yung toothbrush ni Apollo. Bahala siya sa buhay niya, nag kiss na kaming dalawa so what is the point na mag inarte pa ako?
Sa taranta ko nga ay inabot lang ako ng mahigit 10 minutes sa pagligo ko. Before, talagang matagal akong maligo. Malinis ako sa katawan at importante para sa akin ang hygiene. But now, napapangunahan ako ng kaba at excitement.
As soon as I am ready to go, naglakad na ako papunta sa pintuan. I decided na pupunta muna ako sa bahay. Sana ay nandoon pa ang mga gamit ko kasi ang iksi talaga ang shorts ko at damit.