JANE POV "Ma'am, I am so sorry po! I swear, next time po ay pag bubutihan ko na po ang pag aaral ko." Alangan naman na pumatol pa ako sa mga sinasabi niya eh ang hirap makipag away sa isang terror na teacher kaya ang mas maigi pa nito ay magpakumbaba ako. Kahit na masungit itong si Ma'am Janet ay mayroon siyang point sa sinabi niya. Normal lang din siguro na magalit siya kasi nga ang baba ng score ko sa quiz namin. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nag papatuloy lamang sa mga tawanan nila. Natatawa ako pero pinipilit ko talagang labanan ang sarili ko. Sa oras na makita ako nitong masungit naming professor na natatawa ay sigurado akong mapapasama pa ako nito lalo. Kinurot kurot ko pa nga ang mga daliri ko at kinagat ko din ang dila ko ng ibang beses. Naririnig ko ang mga bungisngi

