"Nathalie, anak!" Sigaw ni mama mula sa baba.
"BAKIT MAAA??" Sigaw ko rin pabalik.
"Bumaba ka na rito at kakain na tayo!" Rinig ko na sagot niya kaya kinuha ko na ang bag ko sa kama at bumaba na baka ma-late pa 'ko.
Nakita ko si mama na nag-aayos sa mesa ng kakainan namin kaya tumulong ako sakanya, kumuha ako ng plato at mga kutsara at inayos na sa mesa.
"Wala si papa, ma?" Tanong ko.
"Nasa trabaho na, marami atang ginagawa sa opisina kaya madaling araw pa lang umalis na siya," Sagot ni mama kaya tumango na lang ako at umupo na dahil kakain na kami.
Ngayon lang hindi sumabay sa'min si papa ng umagahan dahil naka-ugalian na ng pamilya na kailangan palagi kaming magkaka-sabay kumain.
Kumain lang kami na tahimik ni mama, hanggang sa matapos kami ay walang nagsasalita saamin kaya nag hugas na muna ako ng plato bago ako pumasok.
"MA, PASOK NA PO AKO! INGAT PO KAYO!" Pagpapaalam ko kay mama, nasa taas siya kaya sumigaw na lang ako maririnig naman niya dahil hindi naman gaano kalaki ang bahay namin.
Nagsimula na 'ko mag lakad, Naglalakad lang ako madalas dahil malapit lang naman ang university na pinapasukan ko sa bahay. 20 minutes lang naman ang lalakarin ko simula sa bahay hanggang sa university.
Nakarating na 'ko at ito na naman sila, pinag titinginan ako na parang may nagawang masama ang pagka tao ko sakanila.
Matiwasay akong naglalakad ng "Hey b***h!" saad ng nasa harapan ko pero hindi ko pinansin dahil baka hindi ako ang tinutukoy siya "How dare you?!" Namumulang saad niya at hihilahin na sana nya ang buhok ko ng umusog ako at nadapa siya dahil sa katangahan.
"Naka huli ka ba ng isda?" Tanong ko, nananahimik ako rito guguluhin niyo ang magandang araw ko. "HOW DARE YOU UGLY WITCH!" Sigaw nya at nag echo 'yon sa buong hallway.
"What do you want ba?" Tanong ko.
"You'll pay for this, mark my words!" Saad niya at binangga ako sa tagiliran. "weirdo" bulong ko dahil ang tagal ko ng nag-aaral rito hindi ko man lang 'yon kilala, tsk.
Pinagpa tuloy ko na ang pag lalakad ko at pinagsa-walang bahala 'yon.
"BESSSSSSSS!!!!" Sigaw ni Naomi kakapasok ko pa lang sa room namin, pinatitinginan naman ako ng mga marites na 'to.
"Ang ingay ng bunganga mo," Saad ko at dumeretso na sa upuan ko.
"Hindi mo pa ba nakita?" Tanong niya.
"Ang alin?" Sagot ko, ano bang malay ko sa tinatanong niya. Nilabas niya ang phone niya sa bulsa niya at may kinalikot doon, ilang minuto lang ay hinarap niya sa'kin ang phone niya...
"WTF! SINO MAY GAWA NYAN?" Tanong ko.
"Hindi ko alam, akala ko nakita mo na dahil pa chill-chill ka lang diyan,"
"Gago ka ba? kung alam ko edi sana hindi ako magugulat ng gan'to, tsnga," sagot ko, tumayo ako at lumabas ng room.
"Hoy saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Saan naka paskil ang pic na 'yan?!" May diin na tanong ko, "Sa bulletin board, maraming tao roon ngayon bes," pag harang niya sa dinadaanan ko.
"Alis!" Saad ko at nilagpasan siya.
"Hey s**t, what are you doing here?" Tawag sa'kin no'ng kaninang tanga-tangang nadapa, ano raw s**t? ako? sa kapal ng make-up nito mas mukha pa 'tong s**t kaysa sa'kin.
"are you referring to yourself? I didn't even know you and I think you don't know who really I am. you only based your knowledge about me through that photo." Saad ko at tinuro 'yong picture na naka dikit sa bulletin board na may kahalikan ako at 'yon ang campus crush nila. "Am I right miss ma'am?" Tanong ko habang nakatingin ang lahat ng tao sa'min.
"Ow, you're definitely wrong because even without that photo you look s**t and gold digger HAHAHAHA," Saad niya at tumawa naman ang mga nakikinig sa'min.
"Pity you miss ma'am, mukha kang clown sa blush on mo. put a right amount of blush on hindi 'yong sumosobra, napagkakamalan kang clown sa malayuan e," Sagot ko kaya napasinghap ang mga naka paligid sa'min, kung namumula pisnge niya kanina dahil sa blush on sumobra naman ngayon baka dahil sa galit.
"Excuse me, I have alot of things to do here miss ma'am with full of respect tabi ka sa dadaanan ko," Saad ko, umusog naman siya dahil mukhang wala naman na siyang masabi.
Pumunta ako sa harapan ng bulletin board at pinagmasdan ang mga picture na naka dikit, mahahalata mo na edited dahil sa kulay at quality ng picture. Masyadong malabo at iba ang kulay ko sa kulay ng background sa picture at para akong lumulutang. ang tanga naman ng nag edit nito, sisiraan na nga lang ako palpak pa sa pag e-edit.
"Nasaan ang nagpa simuno nito?" Tanong ko, Tumingin naman sya sa loob ng room ng section 1 kaya agad akong nag tungo roon.
"Hey...." Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng sinuntok ko siya sa mukha na naging dahilan ng pag dugo ng ilong niya.
"Ouch," Saad niya. "Did you not like my surprise, little girl?" dugtong niya. aambahan ko sana siya ng suntok ng...
"Anong nangyayari rito?" Tanong ng prof nila at nakita naman niya 'ko.
"Ow, welcome to our classroom Miss Gomez. what brought you here?" Tanong niya at tumingin naman siya sa gawi ni tristan na dumudugo ang ilong ngayon.
"What happened to you Tristan?" Tanong naman niya, ang dami niyang tanong.
"Nothing, right Miss Gomez?" Saad niya, tumingin naman ako sakanya at tinaasan niya ng kilay.
"Ali na po ako," Saad ko sa prof, tumango naman siya.
"Hindi pa tayo tapos," Saad ko ng daanan ko si Tristan at lumabas na nga ako sa room nila.
Nakita ko pa 'yong babae kanina na tinawag akong s**t, tinarayan pa 'ko parang hindi drawing 'yong kilay amp. astig ka girl?
Bumalik na 'ko sa room namin dahil siguradong late na 'ko, may prof na sa bawat room na dinadaanan ko e. Tama nga ako late na 'ko dahil nag susulat na sa board si sir Dela Cruz.
Pumasok na lang ako ng hindi niya napapansin, mapunta pa sa'kin atensyon ng mga marites na 'to