CHAPTER 2: CAMPUS CRUSH/COUSIN

1001 Words
"Uwi na 'ko bes," pagpapaalam ni Naomi, uwian na at nasa gate na kami. Iba ang dadaanan niya sa dadaanan ko kaya rito pa lang nagpaalam na kami sa isa't isa. "Sige, ingat ka!" Saad ko at kumaway, nag simula na 'ko mag lakad. Ilang minuto pa lang akong nag lalakad ng biglang may humintong van sa harapan ko. "Nath, Tara na sabay ka na," Hindi ko siya pinansin, deretso lang ang lakad ko. "Sorry na nga nath HAHAHAHAHA," Saad niya, gago nag s-sorry pero tumatawa haha krazy. "Siraulo ka, ako na naman pag iinitan sa school nito dahil campus crush ka!" Saad ko kay tristan, Oo tama kayo. Mag pinsan kami ni Tristan, ugali niya 'to na kapag nakikipag break sya sa mga little girls niya ako gagawan nya ng issue at ako naman 'tong napipikon lulusob ako sakanya at sasapakin siya. Ginawa na rin niya 'yan noon na kahit nasa shower room siya ng varsity players, pinasok ko siya at sinapak. Hindi naman bago sa'kin na makita siyang hubad dahil lumaki kaming magka-sama palagi, ngayon lang hindi dahil lumipat sila ng bahay. Hindi na nga malaman ng mga nagkaka crush diyan kung kabet ba 'ko or sila 'yong kabet dahil bago sila mag break may issue na 'yan sa'kin tapos pagka break naman may issue ulit na gagawin. "Sorry na nga insan, tara gala muna tayo. libre ko," aya niya kaya mas mabilis pa sa alas kwatro akong sumakay sa sasakyan niya. Nakita ko naman na tumawa siya. "Malapit na debut mo insan ah, ano balak mo?" Tanong niya, wala naman akong balak mag celebrate. gastos lang 'yon kina mama kaya baka matulog na lang ako mag damag. "Wala, gastos lang 'yon," Sagot ko, hindi rin kasi ako mahilig sa mga gano'n kaya sabihin ko kay mama na wag na lang mag handa. "18th birthday mo 'yon, Minsan ka lang mag 18 hindi naman kada isang dekada 18 ka baka pagsisihan mong hindi ka nag celebrate," Saad niya, kinokonsensya ba 'ko nito? "Ewan ko sayo, ikaw mag celebrate kung gusto mo," Saad ko at lumabas na sa sasakyan niya dahil nandito na kami sa harapan ng bilihan ng ice cream. Sa park lang kami pumunta, marami kasing street food dito. Tulad ngayon may nag titindang ice cream pagka-baba ko sa sasakyan. Bumili na agad si tristan, syempre siya mag babayad alangan naman ako. Umupo muna ako sa swing habang hinihintay ko siya, Malapit lang naman ang pinwestuhan ko sa pinag bilhan niya ng ice cream. tanga naman niya kung maligaw pa siya rito. "Sleepover ka sa bahay nath, wala sila mommy ngayon nag business trip," Aya niya sa'kin. "Ayoko, siraulo ka tuwing sainyo ako natutulog sa sofa mo 'ko pinapatulog. Ang sakit kaya sa likod ng sofa mo gago!" naka kunot noong sagot ko. "Ang arte mo, buti nga may tinutulugan ka pa sa bahay namin 'yong iba nga walang matirhan e," Saad niya. "Kapal ng mukha mo," Sagot ko sakanya, 'yon pa idadahilan e. "May gusto ka pa ba?" Tanong niya. "Oo, bili mo 'ko kwek kwek doon," utos ko sakanya. "Kapal mo naman kung maka utos ka sa'kin para pinanganak lang ako para maging utusan mo ah??" Sagot niya. "Ang dami mong satsat, manahimik ka na," Saad ko, wala naman siyang nagawa kaya umalis na siya at bumili na ng kwek kwek ko. Nag hintay lang ako ng ilang minuto at naka balik na siya ng naka kunot ang noo. "oh!" padabog na abot niya ng binili niyang kwek kwek. "Tara na, hatid mo na 'ko sa bahay baka hinahanap na 'ko nila mama," Tumango na lang siya at nag lakad na kami papunta sa sasakyan niya. pumasok na kami. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko dahil bored na 'ko rito. Binuksan ko ang messenger ko at nakita ko ang chat ni Naomi. "Hoy gaga, naka uwi ka na ba?" Basa ko sa chat niya, kakakita ko pa lang sakanya kanina miss na naman ata ako. "Ayaw mo pa ba bumaba?" Tanong ni Tristan, tumingin naman ako sa labas, nasa harapan na kami ng bahay. "Samahan mo 'ko, pumasok ka muna. Kukuha ako ng damit ko sainyo ako matutulog baka ikamatay mo pa 'yang tampo mo kung hindi ako mag sleepover e," Saad ko, bumababa na 'ko sa sasakyan nya at nag lakad na papunta sa gate. bubuksan ko na sana ang gate pero hindi ito naka lock, madalas 'tong naka lock lalo na kung si mama lang ang naiiwan sa bahay "Bakit hindi ata naka lock ngayon? asaan si tita?" tanong niya, napansin din niya. "Hindi ko alam, baka may binili lang siya sa labas," Pumasok na 'ko at pinag sawalang bahala 'yon. "MA...." Hindi ko natuloy ang pag tawag kay mama ng may makita akong dugo sa sahig sa sala. "Tita....." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita niyang naka hinto ako at naka tingin ako sa dugo na nasa sahig. "A-Anong nangyari?" Tanong ko. Lumapit naman siya roon at pinag masdan ito, tumakbo ako sa hagdan at pumasok sa kwarto ni mama. Hindi maka galaw ang katawan ko, hindi ko maihakbang ang paa ko papalapit kay mama. "M-Mama," Bulong ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. "wtf..." Rinig ko na saad ni tristan sa likod ko. "MAAAAA" Sigaw ko kay mama at pilit na ginigising siya, hinawakan ko ang pulsuhan ni mama humihinga pa siya. "TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!" sigaw ko kay tristan. "MAAAAA!" Pag tapik ko sa pisnge niya. "A-Anak" mahinang bulong niya. "M-Ma wag ka na mag salita, malapit na ang ambulansya. saglit lang mama please kumapit ka wag mo 'kong iwan!" pagmamakaawa ko kay mama. "A-Anak w-wala n-na tayong m-magagawa pa," Saad niya kaya mas naiiyak ako. May inabot siya sa'king susi. "M-Ma p-para saan 'to?" Hindi siya sumagot pero pinagmasdan niya ang nasa likuran ko na malaking drawer na kailanman hindi ako pinayagan pumunta ni mama. "Ma kumapit ka lang, Sige na ma" umiiyak sa saad ko, hindi siya nagsasalita ko gumagalaw. "MAMAAAAAA!" Hagulgol ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD