Sa makapangyarihang mundo, hindi magka sundo ang mabuti at masama. Ang mabuti ay kagustuhan nila ang kapayapaan, kabutihan para sa lahat ng mamamayan na kanilang kinasasakupan sakabilang banda naman ang mga masasama naman ay walang ibang hinahangad kundi ang kapangyarihan, kasakiman sa kapwa, at kasamaan.
Bago mag simula ang ika'tlong digmaan laban sa mabuti at masasama ay napanganak na ang susunod na prinsesa na may hawak ng lahat nang kapangyarihan sa bawat kaharian na mayroon ang bawat prinsesa at prinsipe. Nasa prinsesa ang kapangyarihan ng tubig, apoy, hangin, at lupa.
Sinigurado ng Reyna at Hari na makakabalik ang prinsesa sa kaharian bago ang ika-apat na digmaan laban sa mabuti at masama dahil ang ika-apat na digmaan ay ang siyang pang huling digmaan na mangyayari sa dalawang dekada na nagpapalakas ang mga kalaban.
Mayroong dalawang dekada ang mga ito upang mag handa sa bawat digmaan na kanilang kakaharapin.
Buhay pa kaya ang prinsesa sa taong pinaki-usapan ng hari na ilayo siya sakanila upang maging ligtas ito? Makakabalik kaya ang prinsesa sa kaharian bago ang ika-apat na digmaan na magaganap?
Desclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination.