CHAPTER 4: WELCOME

1210 Words
"Nath, gising nandito na tayo," Rinig ko na saad ni papa kaya naimulat ko ang mga mata ko. Inikot ko ang mata ko sa buong paligid, parang lumang park lang 'to. Ang layo ng binyahe namin dito sa lumang park lang pala kami pupunta hayst. "Anong oras na?" Tanong ko. "5:30," Saad niya, nanlaki naman ang mata ko dahil umalis kami sa bahay e 12:30 so five hours ang binyahe namin? "Ang tagal ng binyahe natin papa, dito lang pala tayo pupunta," Usal ko, nag damit pa naman ako ng maayos. Hindi niya 'ko pinansin at pinuntahan na niya ang mga gamit ko sa likod at nilabas ang mga 'yon. "Bakit mo nilabas pa? may hotel ba dito or what?" Tanong ko. "You'll see, just wait," Saad niya kaya tumahimik na lang ako. May inabot siya sa'kin na pairs of shoes dahil naka two inches heels ako, malay ko ba na gan'to dadaanan namin. Kinuha ko na lang at nagpalit na 'ko baka pagalitan pa 'ko sa bagal kong kumilos e. Nagsimula ng mag lakad si papa kaya sumunod agad ako sakanya, hawak ko ang heels ko sayang naman kung iiwan ko lang doon. Halos 30 minutes na kaming naglalakad at madilim na, tanging flash light lang na dala ni papa ang nagsisilbing liwanag ang meron kami at nagsisimula na 'kong matakot at malamigam dahil sa hangin. "Pa, matagal pa ba tayo?" Tanong ko, kanina pa hindi nagsasalita si papa e. "Yeah, 5minutes na lang," Huminga naman ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad. Nilibot ko ang paningin ko sa nilalakaran namin, gubat na ata 'to dahil kanina para siyang park dahil may swing at mga slides na kinakalawang na. "Nandito na tayo," Napahinto naman ako, tinignan ko si papa kaya napatingin rin ako sa tinitignan niya... "CR?! PAPA NAMAN HALOS 35 MINUTES TAYO NAGLAKAD PARA SA CR?" Reklamo ko, nasa harapan kami ng pinto nang lumang Cr. "Hindi lang ito basta Cr Nathalie!" Madiing saad niya kaya napayuko naman ako. "iihi ka po ba?" tanong ko. "Nasaan 'yong susi?" pagbabaliwala niya sa tanong ko, kinuha ko na lang ang susi sa bulsa ko at inabot 'yon sakanya. Kinuha naman niya ito tinitigan niya ito ng maigi. "Dito magsisimulang mag bago ang buhay mo nath," Saad ni papa kaya napatingin ako sakanya na may pagtataka. "P-Po?" tanong ko dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. "Everything will change, Nothing will stay same again. Be ready," Dugtong niya at binuksan ang pinto, napapikit na naman ako dahil sa liwanag na bumungad sa mga mata ko. Binuka ko naman ang mga mata ko ng mawala na ang liwanag sa pinto pero may umiikot na parang buhawi roon. "P-Pa, ano 'to?" Natatakot na tanong ko kay papa, Hindi siya nag salita ngunit hinagis niya ang mga gamit ko roon sa loob ng buhawi. Nagulat naman ako dahil hindi tumagos sa kabila ang mga gamit ko. "Be safe, May sasalubong saiyo roon once na tumawid ka na sa portal na 'yan," Saad niya, magsasalita pa sana ako ng... "PAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" Nagulat ako ng tinulak niya 'ko sa loob ng portal, napapikit naman ako dahil sa sobrang kaba. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit nakapikit pa rin ako, nararamdaman ko ang sobrang bilis ng pintig nang puso ko. "buksan mo na ang mata mo miss" Saad ng boses lalaki, unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko. Inikot ko ang buong paningin ko, may apat na babae at limang lalaki na naka palibot sa'kin. Nakatayo sila samantalang ako ay naka-upo sa damuhan kaya mabilis akong napatayo. Napatingin naman ako roon sa lalaking nasa hulihan na naka suot ng itim na hoodie, may hoodie pala sila rito. "You must be Nathalie Gomez?" Tanong ng may highlights sa buhok na kulay blue at blue rin ang mata niya. "yeah," Maikling saad ko, pinipilit kong wag mag tanong dahil hindi ko pa naman sila kilala... "May tanong ka ba? Go on?" Napatingin ako sa babaeng may highlights na white ang buhok, halos silang lahat may highlights iba't ibang kulay. bff goals siguro sila. "We're born to have this hair color, it's not bff goals," Nagulat naman ako sa sinagot niya, Hindi ko naman sinabi ng malakas diba? Sa isip ko lang sinabi 'yon. "Yeah, sinabi mo lang sa isip mo HAHAHAHA," Nanlaki ng todo ang mata ko sa sinabi niya. "Kalma, I'm Evanora adeena. Nice to meet you," Saad niya at inabot ang kamay. "Aesira Charzleigh," gano'n din ang ginawa niya. "Zilla Lavelle," "Reverie Levienne," "I'm Vonstein Zephyr, nice to meet you," "Caelum Rhysand at your service," caelum pala ang pangalan no'ng may highlights na blue ang buhok. "Evander Zagreus," "Aeron Cassian madam," Tumingin naman kaming lahat sa lalaking nasa likuran na naka hoodie, siya na lang ang hindi nagpapakilala sa'kin. "Don't mind him, He's Lucian Draven Aramis. Just call him Cian," Saad ni caelum at kumindat sa'kin. "Bakit tayo nasa gitna ng gubat?" Tanong ko sakanila. "Ow, so you still don't have any idea bakit ka naririto?" Tanong ni aesira. "Nope, to be honest tinulak lang ako ni papa papasok do'n sa kulay puting buhawi sa Cr kanina," Mahabang saad ko. "Wala man lang ba siyang sinabi?or nabanggit man lang?" tanong naman ni Zilla. "Sinabi lang niya 'Everything will change, nothing will stay same, be ready," ayan lang then ayon tinulak na niya 'ko" sagot ko kaya napa tango na lang sila. "Let's go," Napatingin ako kay cian dahil halos nanlamig ako dahil sa lamig ng pagkakasabi niya no'n. Napatango naman ang lahat kaya nagsimula na silang mag lakad at ako rin, ayoko maiwan dito. Nilibot ko ang paningin ko sa dinadaanan namin, bumababa na ang araw at unti-unti ng dumidilim. Wala na kahit sino man saamin ang nagsasalita, and tanging maririnig mo lamang ay ang pag hakbang namin sa mga tuyong dahon. Lumipas ang halos kalahating oras ay huminto sila na kulay gintong gate na sobrang laki, walang kahit na sino man ang makakapag nakaw dito dahil halos kasing taas na nito ang nagtataasang pader. Bumukas naman ang gate na napaka laki at bumungad ang napaka laking palasyo. "we're here in Eurytania Academy," Saad ni zilla, Academy? it means... "Yeah, this is a school," Saad naman niya, sino nga ulit ito evandora? eudora? "It's Evanora," Sambit niya, nakaka basa ba siya ng isip? "Yeah, kind of," WHAT THE FREAKING HELL??!! napa hawak ako sa bibig ko baka pati 'yon mabasa niya. Narinig ko naman na natawa siya, kaya nanlaki ang mata ko. lagot na. "Nandito na pala kayo," Sambit ng matandang babae, hindi mo mahahalata na matanda na siya dahil sobrang ganda niya. Nakita ko naman yumuko naman sila kaya naki-sabay na 'ko. "you are Nathalie Gomez? Daughter of Adiara Gomez?" Nagulat naman ako dahil kilala niya si mama. "Y-yes" nauutal na sagot ko, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Bukas na tayo mag-usap, sa ngayon mag pahinga na kayo. This is the key of your room, ask them where it is, may number naman 'yang binigay kong susi," Magsasalita na sana ako ng biglang mag laho 'yong matandang babae, nabigla naman ako sa nakita ko. "N-Nasaan s-siya?" Nauutal na tanong ko dahil sa pagka bigla. "Gone," Pagkasabi niya no'n ay nahilo ako at nawawalan ng balanse. "NATHALIE!" Rinig kong sigaw nila bago ako hilahin ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD