“YOU DID WHAT?!” Naipikit na lamang ni Esther ang mata dahil sa lakas ng boses ni Mira. Nasa studio niya ito. Umagang-umaga pa lamang at kabubukas pa lamang ng Sorrell Studio pero ang kaibigan niya mas maaga pa kaysa sa kaniya. Ang sabi ni Mira ay nakita sila nito kahapon ni Ciaran at mukha daw siyang lasing. Yeah, right. Lasing naman talaga siya. Tumango na lamang siya. Tapos na siyang magkwento tungkol sa lahat ng nangyari pero shock pa rin si Mira at parang hindi ito makapaniwala. “Totoo?” Esther took a deep breath and nodded again as she sipped her latte to gain her strength and courage. Then whispered, “medyo.” Mira’s eyes went wide. “Medyo?! Girl, that’s Ciaran Vireaux, hindi extra sa teleserye. Tell me everything that happened.” “Mira, sinabi ko na sa ‘yo ang lahat ng nan

