Chapter 01

2494 Words
Vixen     “Don't be late today, buddy.” Paalala sa akin ni Jam. Nangunot ang noo ko bigla. Ano bang mayroon mamaya? I'm so busy travelling the few days and I lost count on the days already. “You forgot, right?” Jam shudder then, shook his head. “It's Coffee and Avery's birthday, dude!” Mariin akong napapikit ng maalala ang pinaka-importanteng araw na iyon bukod sa birthday ng Mama ko at ni Leandra. It's my goddaughter's birthday! Ang sama ko namang ninong talaga.     “I'm sorry. Kailangan ko na magmadali para mabili yung matagal ng pinabibili sa akin ni Avery.” Mabilis kong nilipon ang mga gamit ko saka isa-isang nilagay iyon sa bag. “I'll be there on time, don't worry. May kikitain lang akong bagong tenant ni Mama then I'll drive fast as I can for Avery.”     “Just be there and don't drive fast. Sasakalin ka ni Coffee kapag ginawa mo 'yon.”     Huling paalala sa akin ni Jam bago tinapos ang pag-uusap namin sa telepono. I glanced at my car's electronic clock to check the time. Madami pa akong oras para bilhin yung ukalele na gustong-gusto ni Avery. Dadaan na lang ako ng paboritong cheesecake ni Coffee after then meet this tenant of my mother before going to my best friend's house. Too many schedule for the day but it's really my fault.     Avery is so dear to me. She's like my own child and we share the same interest. That seven year old kid is my constant stress reliever. Dumating na nga ako sa point na gusto ko na lagi kaming magkasamang dalawa ni Avery. She's sweet and adorable just like her mom. I can still remember the first time I saw Avery in the nursery room. I fall inlove with her instantly and my heart skips a beat when she smiles when I carried her in my arms.     “'Ma, you already said those a while ago. I have the contract in my hand now. Natagalan lang ako dahil dumaan pa ako sa mall para ibili ng regalo yung mag-ina.” Paliwanag ko kay Mama matapos niya ako ma-sermunan dahil late ako sa meet up time namin nung tenant. I'm walking now towards my mom's apartment building carrying my gifts for Avery and Coffee.     “You forgot Avery's birthday, right?” tanong ni Mama sa akin.     “Yeah but I already bought her gifts.” sagot ko sa tanong ni Mama. Marahan ko pinihit ang doorknob ng office ni Mama saka binukas iyon. “I'm here now. I'll call when Avery's with me na.” Paalam ko saka tinapos na ang tawag namin. “I'm sorry for keep you waiting, Miss Vinluan. I run some errands plus holiday traffic because it's Christmas week.” Tuloy tuloy kong sabi saka marahang nilapag sa working table yung dala ko at inalis sa loob ng envelop yung contract na dapat pirmahan ng tenant na kasama ko sa office.     “Vixen?” Agad akong nag-angat ng tingin sa kausap ko.     “Ida.” I smiled widely and walked forward to give her a hug. “Ikaw yung bagong tenant ni Mama?”     “Sort off.” Alangan niyang sagot sa akin. “How are you? I mean, it's obvious that you're doing well,” Napangiti ako dahil parang naubusan ng salitang sasabihin si Ida sa akin. It's been a week since we last saw each other. I didn't get a chance to ask for her contact number but fate made this day happened. “I'm okay but I need to give up the penthouse I'm renting and choose this budget friendly flat.”     “I’m glad that you're actually doing well. I hope na hindi mo na iniiyakan yung lalaking nanloko sa 'yo.”     “Hindi na. I'm trying my best to move on now. Hindi naman mababalik ng pag-iyak ko yung perang nawala sa akin at oras na nasayang.” Tumango-tango ako sa mga sinabi niya. Inabot ko sa kanya yung contract at hinayaan siyang pumirma doon. A lease one year contract and it's up to Ida if she'll continue renting the space after a year. Malaki yung flat na pinauupuhan ni Mama at mura pa kaya hindi na lugi ang titira doon. “Uhm, kailangan ba talagang panoorin mo akong pumirma?”     I laugh on to what she said. Hindi ko din napansin na sa kanya lang nakatuon ang tingin ko. Ten page contract lang naman iyon pero parang gusto kong dagdagan pa upang tumagal siya doon. I enjoyed her company when we're at the airplane. Her stories and lame jokes. Hindi ko nga naramdaman na sobrang tagal nung naging byahe namin mula Spain pabalik ng Manila.     “I'm sorry about that. Ituloy mo na ang pagpirma.”     You're unbelievable, Vixen. Lihim kong kiniling ang ulo ko saka naupo na sa couch at inantay na matapos si Ida sa pagpirma. I live upstairs that's why mom let handled all the rent payment and concerns there. Binenta ko na yung penthouse ko sa BGC at nag-invest sa cafe business nina Jam at Coffee. May mangilan-ngilan pa din akong TV guestings pero mas lamang na lang pagsusulat ko ng mga kanta para ibang singer. I recently released a digital single of mine online last month and it become a hit. Madami kasing naka-relate sa lyrics nung kanta at hindi nakapaniwala yung iba na magagawa kong mag-switch ng music genre.     “I'm done. When can I get my keys?”     “Today and its here. I-papa-notarize lang ito at daanan mo na lang sa ibang araw yung kopya mo. I live upstairs so if you need anything don't hesitate to knock on my door.”     “Okay.” Tanging salitang nasabi nito sa kanya. “It's nice to see you again, Vixen. Ang awkward ko lang talaga minsan,”     “No worries, Ida.” Sabi ko saka naglahad ng kamay. Inaya ko na siyang lumabas sa opisina ni Mama. “Kailan ka lilipat?”     “Tonight para hindi gaanog traffic.” Dahil nalalapit na ang kapaskuhan, kaliwa't kanan na din ang mga sale, Christmas party at kung ano na cause ng matinding traffic. “So, kailangan ko na umalis. Nice seeing you again, Vixen and we literally see each other everyday.”     “Yeah. Take care, Ida.”     Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang lumakad paalis. Natisod pa dahil absent pa yata na dahilan ng pag-aalala ko. Sumenyas naman si Ida na okay lang siya kaya kahit paano'y napanatag ako. Now, you need to run Vixen. May nag-iintay sayong dalawang importanteng babae sa buhay mo.     ~•~•~     Mainit na yakap ang sinukli ni Avery sa 'kin matapos niya mabuksan ang regalong nabili ko para sa kanya. Napaka-appreciative talaga ng batang ito kaya naman mahal na mahal ko siya. Pinugpog pa ni Avery ng halik ang magkabilang pisngi ko pagkatapos ng mainit na yakap niya.     “Spoiled na spoiled talaga sa 'yo itong si Avery.” Komento ni Coffee saka naupo sa pang-isahang sofa. Tinabihan ito ni Jam saka hinalikin ang ibabaw ng ulo. “You want to be a singer, too, Avery?”     “Just like ninong Vixen po,” sagot ni Avery sa tanong ni Coffee.     “Let's record a guitar jamming with your Dad this Christmas.” Lalong lumiwanag ang mukha ni Avery dahil sa sinabi ko. Pumayag din naman sa suhestyon ko si Jam at hinding hindi naman ito makakahindi sa anak. None of us can say no to Avery. What our Princess wants, our Princess gets. Inaya na ni Coffee si Avery na ihanda yung cake na nabili ko para makain na naming lima. Naiwan kami Jam sa labas at inabutan niya ako ng bote ng alak. “If you didn't marry Coffee, we ended up together for sure.”     “Gross!” Tumawa ako dahil sa reaksyon ni Jam. Binato niya ako ng tansan na napulot nito. “Coffee wants you to try online dating applications. Madami kasing nabasa ang misis ko na mga success story just like ours.”     “Hindi naman kayo nagkakilala online. You two met on my gig so thanked me for being your cupid.”     “Our daughter will take care of you, don't worry.” Ako naman ang bumato ng tansan sa kanya. “On serious note, Vixen, kailan ka nga manliligaw o makikipag-date ulit? Ayaw mo ba magkapamilya?”     “Of course, I have plans it's just I can't find someone yet.” Wala pa talaga akong mahanap dahil after ni Kryz, hindi na ako sumubok uli. Pinuntahan ko naman ang mga dates na na-set ni Coffee pero wala doon ang umabot sa pangalawang date. Sabi nga ni Leandra masyado daw mataas ngayon ang standards ko. Sabi ko naman sadyang wala lang talaga akong naging panahon sa love life. “For now it's Avery. Siya muna habang hindi pa dumadating yung nakalaan para sa akin.”     “Wala ka bang nakikilala sa mga ginagawa mong pag-iikot sa buong mundo?”     “I met different girls but I'm not up for playing. Graduate na ako sa gano'n.”     “Kryz is still available,” sabat ni Coffee sa usapan namin.     “I choose not to bother her anymore, Cof. Sobra kong nasaktan yung isang iyon kaya i-exclude na natin siya sa usapan.”     “Hindi pa kayo nag-uusap na dalawa, right?” tanong sa 'kin ni Jam.     I actually don't know what I am going to say to Kryz. Noong sinabi niya na subukan namin ang pagkakaroon ng ugnayan, sa umpisa lang talaga masaya. Malaon ay naging magka-iba na ang mga priority namin hanggang sa tuluyan na naming mawala ang isa't isa. We lost and hurt each other in the process. Naubos ko si Kryz at gano'n siya sa sarili niya. Wala itong ginawa kung hindi ibigay sa akin ang lahat hanggang sa wala ng matira.     “Enough with my personal life. Kayo, kailan niyo bibigyan ng kapatid si Avery?” Nakita kong nagkatingan sina Coffee at Jam. Napangiti ako ng makuha ang gustong ipahiwatig ng mga mata nilang dalawa. “Is that your gift to Avery this Christmas' Eve?”     Tumango ang dalawa kong kaibigan bilang sagot. Another addition to their family is on it's way now. I congratulated the both of them. Sinabihan nila ako na hindi pwedeng maging ninong ako ng pareho kaya humanap na daw ako ng girlfriend para iyon na lang daw ang magiging ninang. After tucking Avery in bed, I go home already. Naabutan ko si Ida na nagbaba ng mga gamit sa galing sa taxi na naghatid sa kanya. Agad akong bumaba sa sasakyan ko at mabilis na dinaluhan si Ida para tulungan.     “Thanks!” Ida said to me when I drop the last box on the floor of her flat. “Pakiramdam ko nalaglag yung matres ko sa mga gamit na 'to.” Nakita kong natuptop agad ni Ida ang bibig matapos masabi ang mga salitang iyon. “Sorry about that,”     “No worries. Just be you, Ida and I won't judge you.” Ginala ko ang tingin sa palibot ng flat niya. Madaming aayusin ito doon at kulang gabing iyon para sa mga gamit nitong isang damak-mak. “Ang dami mo namang gamit.” Komento ko sa saka sinilip laman nung isang box.     “That's my books and music CD's. Collections.” Lumapit si Ida saka tuluyang binukas iyon. I got amazed by the huge collection Ida have. Iyong iba sa mga CD ay masasabing collectors item na. Sa mga libro naman, pulos mga romantic novels na sulat ng mga kilalang English writers. “May bukas pa kayang makakainan na malapit dito? Nagugutom na ako at kailangan ko ng lakas para maayos itong lahat.”     Sumagi sa isip ko ang pagkain na pinadala sa akin ni Coffee. Madami iyon at hindi ko naman mauubos iyon ng mag-isa. “I have food in my car. If you want, 'yon na lang ang kainin mo...” I stopped from talking then look around again. I find no dining table yet there. “Would you like to eat in my house? Magulo pa dito at tingin ko hindi ka makakain ng maayos dito.”     Hindi naman tumanggi sa alok ko si Ida at magkasunod kaming umakyat sa bahay ko sa pinaka-tuktok ng apartment building. “You live alone here?”     “Yeah. Dalawang flat ito na pinag-isa ko lang. Minsan kasi dito natutulog ang anak ng kabigan ko kaya ginawan ko siya ng sariling space niya.” Hinanda ko na yung mga pagkain dala ko saka tinawag si Ida nung tapos na. “Her name is Avery Manalo.” Pagtutuloy ko sa kwento ko tungkol kay Avery. Nakasanayan ko na talagang ipagmalaki sa iba ang batang iyon.     “She's pretty.” Komento ni Ida na sinang-ayunan naman niya. Good combination ang genes nina Jam at Coffee kaya gano'n kaganda si Avery. “Saan ka ba galing at dami mong pagkain?”     “Birthday ni Avery at pinadala 'yan nung nanay niya. Nalimutan siguro na mag-isa lang ako sa buhay.”     “Aww,” Lumabi siya bilang pang-aasar sa akin.     “You're alone, too.” giit ko na kinataas ng dalawang kamay ni Ida. “Bakit ang awkward mo kanina?” tanong ko na pumigil sa dapat na pagkain na dapat ni Ida.     “Eh kasi hindi ko prepared na makita ka after that kiss in the plane. You stole my first kiss, asshole!”     “I remember you asked for it. Mabait pa nga ako ng lagay na 'yon.”     “Moron!” Tumawa ako pero umirap lang si Ida.     “Nabalatan ka ba ng buhay ng mga magulang mo?”     “Muntik na. Paulit ulit ang sermon nila sa akin kaya nga hindi ko na sinabi itong paglipat ko ngayon. Problema ko pati ang Christmas' Eve party na taon taong nagpapa-realize sa akin kung gaano ako kamalas sa pag-ibig.”     “What do you mean?”     Sumubo muna si Ida ng pagkain saka nginuya iyon at nilunok bago nagsalita uli. “Wedding proposals, pregancy and relationship announcement. I really hate Yuletide holidays!” Ida shudders then ate. “Ikaw, hindi ka ba naapektuhan ng mga gano'n?”     “I only have my mom and sister. We don't have a huge family like yours. I sometime spent my Christmas' Eve in my best friend's house.”     “Third wheeling?”     “Not actually because Avery is there,”     Napabuntong hininga si Ida bigla, “I wish I can meet someone whom I can present to them and made me feel I'm not lonely just for that day.”     “I volunteer.” Hindi ko alam bakit ko nasabi iyon. Ida is far different from Liv whom I dated before and Kryz who's my almost. Mas makalat ang isang ito kaysa doon sa dalawa lalo sa damdamin. “For that day lang naman 'di ba? In return, celebrate your Christmas' Eve with me in my best friend's humble home.”     “Sigurado ka ba dyan? Ipapakilala kita sa parents ko tapos wala tayong relasyon?”     “Ipapakilala lang naman at hindi na siguro kailangan pa na may relasyon tayo. A holidate which is a trend now,”     “What can you say about me?” Tumingin siya direcho sa mga mata ko at sinubukang makipag-communicate sa akin. Nag-isip ng maayos na salitang pwedeng bitiwan na hindi sasama ang loob ni Ida. Kagagaling niya lang sa break up at baka kapag may nasa akong mali ay bumukas lang uli yung sugat na dulot nung lalaking nanloko dito.     “You're fine but definitely not my type,” sabi ko sa kanya. I saw her rolling her eyes then ate again. Kumuha ako ng calling card ko mula sa telephone table saka binigay iyon sa kanya. “Singer s***h composer?”     “Yep, Saint Vixen Tolentino at your service,”     Ida scoffed, “I'll definitely not call you.” Napangiti ako bigla ng dahil sa sinabi niya. Kahit naman hindi niya ako tawagan, magkikita at magkikita pa din kami. We're living on the same building. “Thanks for the food, Mr. Songwriter s***h Singer.”     “You're welcome. Don't forget to call me.” Habol kong paalala sa kanya. Hindi na siya lumingon pa at ang sumunod kong madinig ay pagbukas sara ng pintuan ng bahay ko. What did I just say? A holidate? Really, Vixen? Akala ko lang yata talaga na graduate na ako sa mga laro-laro. I really never learn my lesson...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD