CHAPTER 1

1993 Words
"Babe, ito na ang report mo nagawa ko na." Inabot ni Rodrigo ang maliit na USB card na naglalaman ng report ko sa Ethics. Ang lapad ng ngiti ko nang abutin ko ang USB card. Hindi na ako mahihirapan gumawa ng report ko dahil ginawa niya ako. "Thank you, Babe." Sabay halik ko sa kanyang pisngi. Ang lapad naman ng ngiti ni Rodrigo nang maramdaman niya ang halik ko. "Babe, yung pangako mo na date natin." namumula ang mukha niyang tanong sa'kin. "Hindi ko nakakalimutan ang promise ko sa'yo, magda-date tayo bukas." kumindat pa ako sa kanya. "Thank you, Babe. I love you." "I love you too." labas sa ilong kong sagot sa kanya. Napawi ang ngiti ko nang makaalis si Rodrigo. Pagkatapos ay bumalik ako sa classroom namin. Malapit pa lang ako sa entrance door ng classroom namin ay natanaw ko si Melvin. Agad akong nagtago sa may puno ng pili. "Veronica! Veronica!" sigaw ni Melvin sa labas ng classroom namin "Bakit ba siya pumunta rito. " "Honey, kausapin mo naman ako. Ano ba ang naging kasalanan ko sa'yo?" sigaw nito. Lumabas ang mga kaklase ko sa loob ng classroom namin upang silipin ang ingay. "Nandiyan ba si Veronica?" tanong ni Melvin sa kaklase ko. "Nag-transfer na si Veronica sa ibang school." sagot ni Dina, ang isa sa mga college friend ko. "Hindi na siya nag-aaral dito?" malungkot na sabi ni Melvin. "Bakit mo ba siya hinahanap? Sino ka ba?" "Boyfriend niya ako." "Hindi na siya pumapasok kaya huwag mo na siyang hanapin." sabi ni Dina. "Okay, Thank you." bagsak ang balikat na umalis si Melvin. Nakatago ako sa puno habang tinatanaw ko siyang palayo sa classroom namin. Nang hindi ko na siya makita ay lumabas na ako sa pinagtataguan ako at pumasok na ako sa clasaroom namin. "Good morning, Classmate!" Matamis pa akong ngumiti sa kanilang lahat at pagkatapos ay nagpakendeng-kendeng akong naglakad papunta sa upuan ko. "Aray!" sigaw ko. Bigla kasi akong hinila ng classmate kong si Dina. Ang pinaka mahadera sa'ming magkakaibigan. Salubong ang kilay niya habang halos magkasya na ang tatlong daliri ko sa laki ng butas ng ilong niya sa'kin. Hindi rin nakalampas sa'kin ang mga tingin ng mga kaklase ko na naging tropa ko. "Hoy, ikaw! May lalaki naman na hinahanap ka. Araw-araw na lang na may naghahanap sa'yo na lalaki dito. Nagiging sinungaling na kami dahil sa'yo." wika ni Dina. Sinasabi ko kasi sa mga kaklase ko na kapag may naghahanap sa'kin mga lalaki ay sabihin nag-transfer na ako sa ibang school. "Gano'n talaga kapag maganda." Sinuklay ko ang buhok kong nagulo dahil sinabunutan niya. "Hindi ka maganda malandi ka! Magkaiba iyon." sabay irap niya. Kinuha ko ang chewing gum na binili ko sa tindahan at pagkatapos ay nginuya ko. "Kasalan ko ba kung gusto nila akong maging girlfriend." "Hays! Ilan na ba ang naging boyfriend mo?" Saglit akong nag-isip. "Konti lang fifteen lang silang lahat." "Fifteen!" gulat na gulat na sabi ni Dina. "Pero baka bukas lima na lang sila nagawa ko na kasi ang gusto ko sa kanila." "Wasak na pechay mo sa fifteen na 'yon lahat ba naka-s*x mo na?" "Hoy, virgin pa ito." pagyayabang ko sa kanya. Kahit marami akong boyfriend hindi ako pumapayag na makipag-s*x hanggang halik lang sila sa lips at dibdib ko pero ang butasin ako hindi maaari. Sabay pang tumaas ang kilay ni Dina. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Gagu! Huwag ako." Kilala kasi ako sa school bilang playgirl. Kabilaan kasi ang mga nagiging boyfriend ko. Lahat kasi ng mga nanliligaw sa'kin na may pakinabang sa'kin kaya sinasagot ko. Nag-boyfriend ako ng matalino sa klase para siya ang gumagawa ng mga research at assignment ko. May boyfriend ako na may kotse. Siya naman ang ginagawa kong driver kapag may gusto akong puntahan. May boyfriend akong gumagawa ng thesis ko. May nagbibigay ng pera sa'kin at higit sa lahat may boyfriend ako na palagi akong nililibre. Lahat sila may pakinabang sa'kin kaya ko sila ginawang boyfriend. "Matalino 'to girl hindi ko isusuko ang bataan ko sa taong hindi ko gusto." "Mabuti naman at nakakapag-isip ka pa ng matino." Tumingin si Dina sa kaklase namin na si Tiffanie. "Huwag kang tutulad diyan sa kaibigan nating si Tiffanie. Maganda lang pero nasa talampakan ang utak." Si Tiffanie kasi ay nag-boyfriend ng isang nerd sa school namin. Si Tiffanie pa naman ang pinakamaganda sa school namin. Sa kinis, sexy at ganda ng mukha niya walang-wala ang balat kong kailangan pang magpaturok ng glutatione para pumuti. "Mabait naman si Mathew. Alam mo masyado kang bitter palibhasa wala kang boyfriend gusto mo bigyan kita?" "Pagkatapos mong lawayan bibigay mo sa'kin? Yuck!" umikot pa ang eyeballs niya. "Direng-dire? Hindi nadudumihan?" sagot ko. "Kumpara sa'yo? Malamang madidire ako." Pang-asar pang ngumisi si Dina. "Tse!' sabay irap ko. Matagal ko ng kaibigan si Dina at ganito kami palagi mag-usap nag-aasar pero kapag seryoso ang pinag-uusapan namin ay seryoso rin siya. Isa akong second year college student ng BS Information Technology sa isang private school kung saan mahal ang tuition ngunit masusulit mo naman dahil sa ganda ng classroom. Lahat kasi ng classroom ay may aircon. Ang ganda rin laboratory dito na halos kumpleto ang mga gamit kaya kahit hirap ako sa tuition ay sinisikap kong makapag-aral dito sa tulong na rin ng mga nagiging boyfriend kong ginagawa kong charity. "Seriously, Veronica, tigilan mo na ang sumagot ng lalaki baka makahanap ka ng katapat." seryosong sabi ni Dina. "Nag-iingat naman ako." sagot ko. Bumuntong-hininga si Dina. "Basta hindi ako nagkulang sa paalala sa'yo." aniya. "Pero alam mo ba may gusto akong maging boyfriend sa kabilang school." "Saan school?" "Diyan sa International school puro gwapo ang mga estudyante doon. Minsan tambay tayo doon baka makabingwit ka ng gwapong mayaman." "No, thanks!" Nagkibit-balikat ako. "Ikaw ang bahala." Natahimik kami nang dumating ang professor namin kaya nag-focus kami sa Lecture niya dahil mahilig magpatayo sa sa klase ang professor namin kapag hindi nakasagot. LIMANG minuto na kaming nakatayo sa labas ng isang unibersidad hindi kaluyan sa pinapasukan kong school. Nasa harap kami ng tindahan ng school supplies at grocery. Bumili kami ni Dina ng softdrink habang nakatayong naghihintay. "Ano'ng ginagawa ba natin dito?" "Gusto kong makita ang target kong maging boyfriend." "Boyfriend mo para magbayad ng tuition mo?" ani Dina. Kung private school ang pinapasukan naming paaralan mas sosyal ito dahil puro mayayaman talaga ang nag-aaral dito. "Basta sundin mo lang ang sinabi ko." "Kinakabahan kasi ako sa gagawin mo eh," sagot ni Dina. "Huwag kang kabahan basta sumunod ka sa direktor mo." biro ko Ilang segundo pa ay bumukas ang malaking gate ng school at isa-isang lumabas ang mga sasakyan na sobrang mahal ang presyo. Inabangan ko ang kulay puti na kotse. Bumilis ang t***k ng puso ko nang matanaw ko ang inabaangan kong kotse. Nang makalabas na ang kotse ay lumapit kami ni Dina. "Itulak mo ako dali!" sabi ko kay Dina. Tinulak ako ni Dana kaya sumubsob ako sa dadaanan ng kotseng kulay puti. Hindi ako agad bumangon dahil hinintay kong lumabas ang nasa loob ng kotse. "s**t! Ang panty ko mahuhubad na." Naging slow motion ang paglabas ng estudyante sa loob ng kotse. Halos hindi na ako huminga nang lumapit siya sa'kin. Ipinikit ko ang mga mata ko. "Clive Christian 1872 ang pabango niya." "Excuse me, are you okay?" Inangat ko ang mukha ko at inihanda ko ang matamis na ngiti ko para sa kanya. "H-Hi! I'm not okay. My knee hurts from hitting the cement. The man in front of me looks like the Greek God Apollo. He is more handsome in person. His skin is white with a perfect lip curve. His nose is also very pointed, and his face is just the right shape. Napansin ko rin ang mahaba niyang pilikmata at medyo chinito rin siya "What happened to you?" tanong niya. Lumuhod pa siya at inilahad niya ang kamay niya para hawakan ko at makatayo ako. "s**t! Ang lambot ng kamay niya. "Kaya mo bang maglakad?" "Ha?" sambit ko. Nakatitig kasi ako sa kanya. "Kaya mo bang maglakad?" muli niyang tanong. Tinitigan ko siya. "H-Hindi ang panty ko mahuhulog na." He frowned. "What?" "A-Ah, sabi ko ang sakit ng balakang ko kaya hindi ko kayang maglakad." Pulang-pula ang mukha ko sa lumabas sa bibig ko. "Ang rupok mo girl." "Ihahatid na kita sa inyo." "Tagumpay!" hindi ko napigilang bigkas bagay na pinagtaka ng lalaki. "Tagumpay ang pangalan ng baryo namim. Baryo tagumpay." alibi ko. "Okay. Let's go!" Inalalayan niya ako papasok sa loob ng kotse niya. Pagpasok ko sa loob ng kotse niya parang hinihila ako ng antok. Bukod kasi sa malinis, malamig at mabango rin. "Thank you, by the way, my name is Veronica." sabay lahad ko ng kamay. Kailangan kong malaman ang tungkol sa lalaking palagi kong inaabangan. Pagkakataon ko ng makilala siya. Ngumiti siya sa'kin. "My name is Lester Del Mondragon." Katahimikan ang namayani sa'ming dalawa parang bigla umurong ang dila ko sa kanya. Masyado kasi siyang tahimik ang hirap hulaan ang ugali niya. "Excuse me, Lester, pwede bang magtanong sa'yo?" "Sure," "A-Ah— my girlfriend ka na ba?" "Honestly no girlfriend since birth ako." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko akalain na edad niya wala pa siyang girlfriend. "Ibig sabihin wala ka kang first kiss? Wala ka pang nadadala sa langit?" Tumawa siya. "Wala pa." Tumawa ako sa kanya. "Baka naman hindi babae ang gusto mo, baka lalaki." Bigla akong nalungkot sa sinabi ko. Imagine ilang buwan kong pinapangarap na maging boyfriend ang lalaking ito NGSB pala siya. "Babae ang gusto ko kaya lang walang gustong sumama sa'kin sa langit. Gusto mo ba ikaw na lang?" Biglang umuurong ang dila ko sa sinabi niya pagkatapos ay umiwas ako sa kanya. Napalunok ako dahil para akong natuyuan ng laway. "Sorry sa sinabi ko." bawi niya. "Pwede naman." huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Bigla niyang inihinto ang kotse niya at tumingin sa'kin. "Are you sure?" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Sa lakas ng t***k ng puso ko para akong aatakihin sa puso. Tumango ako. "Pwede naman basta may one hundred thousand pesos ka." Sinadya kong lakihan para wala siyang perang pambili. Tumawa ng malakas si Lester. "Gets ko na sinadya mo akong harangin para alukin ng aliw isa ka rin pala sa mga estudyanteng nagbebenta ng aliw para pang tuition." Para akong sinampal sa sinabi niya. Inakala niya na nagbebenta ako ng sarili para tuition. "Yes, I claim it." "Masyadong mahal ang one hundred thousand para sa aliw mo. Tell me, pang ilan ba ako sa naging customer mo?" "Hindi mo kailangan malaman kung ayaw mo 'di 'wag." "Okay, pumapayag ako." "Sigurado ka?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "One hundred thousand." sabay kindat niya sa'kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bigla akong pinagpawisan sa sinabi niya. Hindi ko akalain na pumapayag siya. Nagbibiro lang naman ako masyado niyang sineryoso. "Here!" half payment ko." sabay abot niya sa'kin ng cheke. Tinitigan ko ang cheke na may nakalagay na fifty thousand pesos. Ilang beses akong lumunok sa cheke na 'yon. "Kunin mo na." sabi niya. "H-Huwag muna kapag nandoon na tayo." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang cheke. "I will call you kung saan at kailan." Inilabas niya ang cellphone niya para hingin ang number ko. Wala akong nagawa kung hindi ang ibigay. Hindi ganito ang gusto kong mangyari ang gusto ko ay maging boyfriend siya. Hindi ako umimik habang binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay namin. Hanggang sa nasa tapat na kami ng gate namin. "Dito na ako. Thank you." "Wait!" sabay hila niya sa'kin palapit sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong siniil ng halik. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso. "s**t! Bakit ang sarap ng halik niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD