“Bakit ka huminto?” nagtataka na tanong ni Aleck kay Heaven. “Wala ng gasolina ang motor.” sabi nito at hinila ang susi ng motor. “Paano tayo ngayon?” palinga-linga si Aleck. “Anong lugar 'to? Bakit hindi sa highway?” “Gusto mo bang mahuli tayo ng mga humahabol sa atin?” pananakot ni Heaven kay Aleck, dahil gabi na, nilabas niya ang micro-flashlight keychain. “Mukhang pinaghandaan mo ang araw na 'to ah,” dudang sabi ni Aleck at inabot ang flashlight. “Doktor ako.” maikling sagot ni Heaven. “Ilawan mo ako.” sabi nito at binuksan ang upuan kung saan nakatago ang camouflage cover ng kanyang motor. “Kabisado mo ba ang lugar na ito?” nag-aalala na tanong ni Aleck. Tanging huni lamang ng mga insekto at kaluskos ng mga hayop sa liblib na lugar na iyon ang kanyang naririnig. “Aleck, ang

