“s**t!” kahit hubo't hubad ay walang awang sinaksak ni Heaven ng paulit-ulit ang ahas na nakapulupot sa hubad na katawan ni Aleck. Tuluyan na itong lumuwag at unti-unting lumayo. “Aleck! Aleck!” nilapit ni Heaven ang mukha sa bibig ng nobyo, nawlaan lang ito ng malay Kahit hirap dahil sa bigat ng katawan ni Aleck, sinikap na mabihisan ito. Natatakot siya na posibleng nabalian ito ng buto. Nakahinga ng maluwag si Heaven pagkatapos ma-examine ang parte ng katawan ni Aleck kung saan nalingkis ng ahas. Muntik ng matawa si Heaven nang mapuna ang sarili. Wala pa siyang saplot kahit underwear man lang. Gamit ang flashlight, isa-isang hinanap ang sariling damit at nagbihis na rin. Tinabihan niya si Aleck at sinapin ang sariling braso. Narinig pa niya ang pagtunog ng sikmura nito na parang k

