Matured content read at your own risk JUDE HENRY Nagtaka siguro si Lynelle at hindi niya ako naabutan sa kwarto. Marahil ay hinahanap na ako sa mga oras na 'to. Biglaan kasi ang tawag ng Axel na 'yon at gusto nang kumanta ang nahuli namin na siyang susi sa aksidenteng nangyari kamakailan lang. Bago ako umalis ay nagbilin naman ako, sa magulang ko na kapag naghanap si Lynelle ay mayroon lang binili sa labas. Hindi ko rin sinabi kung ano ang totoo sa kanila. Tinawagan ko si Axel na malapit na ako sa hideout nito. Ang dilim naman ng napiling lugar nito. Kung hindi ko lang alam ang lugar nito ay naligaw na marahil ako at parang seminteryo kong iisipin ang kinatatayuan ng bahay niya. Ang weirdo talga ng mokong na 'yon. Nabigo lang sa pagibig ay dito na nagtago. Bumukas ang malaking gate ng

