MARY LYNELLE Nang makapasok si Henry ay pinuntahan ko si Nanet sa kusina. Nakakainip rin na mag-isa ka lang na naiwan sa malaking bahay kahit may kasama ka. Balak ko sana siyang yayaing lumabas 'yon nga lang nakaka-ilang ang mga bodyguard na buntot sa bawat puntahan mo. May idea na pumasok sa isip ko. Isasama ko si Nanet na lumabas ngayon at puntahan namin ang restaurant ni Lovelyn. Nakakainip naman kasi na walang ginagawa. "Beshy!" wika ko dito. Napangiwi ako at magugulatin naman masyado ngayon 'to. Mabuti na lang at kutsara lang ang nabitawan nito. Nilapitan ko siya at sinalat ang noo. "Bakit, mukhang wala ka sa sarili mo ngayon? at matamlay ka? balak ko pa naman sana na ayain ka na pasyalan si Lovelyn pero 'wag na lang ngayon at wala ka sa sarili." Seryoso kong tanong sa kanya. Nag

