Chapter 6

3273 Words
"Lanie, hindi pa ba papasok si Ms. Monteverde?" Ani Kiero ng makapasok sya sa office. "Tumawag po sya kanina. Baka daw po sa isang araw na sya makapasok. Naghahanap pa daw po sya ng murang malilipatan na malapit po dito." Mahinahong sagot ni Lanie. "Why? I mean... Wala ba syang kamag-anak na matutuluyan?" His voice is full of curiosity. "Nabanggit po nya na isa lang po ang kapatid ng tatay nya at halos lahat ng kamag anak nya ay sa ibang bansa na nakatira. Mag isa lang po sya ngayon dito sa pilipinas. Nakakaawa nga po sya ngayon. Ilang araw na syang nakacheck in sa motel malapit dito. Ayaw naman po nya pumayag na sa amin nalang muna habang hindi pa nakakahanap ng malilipatan. Ang mamahal po kasi ng mga apartment ngayon." Ngumiti si Lanie ng matapos syang magsalita. "Okay." Matipid nyang sagot, busy sya sa kanyang computer. Lumabas na ng opisina si Lanie. He dialed Chienne's number. Wala pang ilang Segundo ay sinagot na sya agad nito. "Where are you?" "Sorry po, Sir. Hindi..." "I said where are you?" Mariin nyang ulit sa kanyang tanong. Malalim na buntong hininga ang narinig nya sa kabilang linya. "I am looking for a cheap apartment near the building." Malamig niyang sagot. "Meet me at my place after lunch. Don't be late. Dalhin mo na din ang mga gamit mo." Hindi na nya hinintay sumagot si Chienne at inend call na nya ito. Bago umalis ng building si Kiero ay hinabilin nya lahat kay Lanie ang mga dapat gawin. Hinabilin din nya na wag syang tawagan kung hindi naman ganoon kahalaga ang sasabihin. Pagkarating nya sa mansion ay sinalubong agad sya ni Marya telling him that he has a visitor. Chienne is silently sitting on the big white couch. He feels so vulnerable every time na magtatama ang kanilang paningin at hindi nya gusto ang ganoong pakiramdam. "Kumain ka na ba?" Ani Kiero ng makalapit ito sa dalaga. Umiling lang si Chienne. "Okay. Sumabay ka na sa akin. Manang Len." Tawag nya sa matandang kasambay na agad din namang lumapit sa kanila. "Manang, tulungan nyo po syang iakyat ang kanyang mga gamit sa kanyang magiging kwarto. Ipahanda nyo na rin po ang mesa." Dugtong nya. Nanlaki ang mata ni Chienne na hindi makapaniwala sa narinig. "Pero... Pero Sir Kiero, you don't have to do this. May nakita na akong apartment na mauupahan. Medyo malayo nga lang sa building pero okay na din at isa pa mura lang ang renta doon." Nahihiya niyang sagot. "Malaki naman ang bahay na ito. May sampong kwarto at ako lang ang nakatira dito. All the maids have their own house at the back except Manang Len. I let her stay here para may makasama ako. Just save your money. Kapag nakaipon kana saka ka bumili ng bahay. You'll gonna waste your money in renting an apartment. My dad will do the same thing if he is still alive." Matipid na ngumiti si Kiero sa dalaga. "Tayo na iha sa taas. Tutulungan na kita dito sa mga gamit mo." Ani Manang Len saka binuhat ang bag ni Chienne. Wala masyadong gamit si Chienne dahil nasunog na ang mga ito at iilan lang ang naisalba nya. Hinawakan naman ng dalaga ang kanyang shoulder bag. "Maraming Salamat. I will accept your offer. Wala rin naman akong mapupuntahan sa ngayon and you're right... renting an apartment is just a waste of money lalo pa ngayon na walang wala ako." Ani Chienne. "Good." Kiero said saka naunang umalis sa kanila. Pagkatapos magtanghalian umakyat agad ng kwarto si Kiero para magpahinga. Tinitingnan nya ang kanyang email ng tumawag si Dustin. Ninong sya sa anak ng kanyang pinsan. Dahil wala sya sa mood mag isip ng ireregalo ay tinanong na nya mismo ito sa kanyang pinsan. Dustin said cake is fine dahil hindi pa sila nakakapag canvas ng cake. Agad namang nag agree si Kiero. Pababa sya ng hagdan at paakyat naman ng hagdan si Chienne. "Ms. Monteverde... May gagawin ka ba ngayon?" "Wala naman po. Bakit po?" "Drop the po. Masyadong nakaka tanda. Matanda lang ako sa'yo ng isang taon. Anyway kung wala samahan mo ako ngayon." Umirap si Chienne dito. Tinaasan naman sya ng kilay ni Kiero. "Saan ba?" "Hindi ako marunong tumingin ng cake para sa binyag ng anak ng pinsan ko. Can you help me?" "Okay. Magbibihis lang ako. Kailan ba ang binyag?" Ani Chienne ng makalampas sya sa binata. Nilingon nya din naman ito para hintayin ang sagot. "This coming Sunday." Sagot ni Kiero habang bumababa ng hagdan. Si Chienne ang pumili ng design. Nahirapan sya dahil hindi nya alam ang theme ng binyag. Ang tanging sinabi lang ni Kiero ay lalaki ang bibinyagan. Seryosong nakatingin sa mga cake si Kiero ng tawagin sya ni Chienne. "Okay na. They will deliver it on Sunday morning sa binigay mong address." "Good. What design did you choose?" "The 4 layered cake that I showed you. Umo-o ka pa nga eh?" Taka niyang tanong. Wala siguro sa sarili si Kiero noong pinakita sa kanya iyon ni Chienne. Nakatitig kasi sya sa heart shape na cake na nasa display area. Iyon kasi ang binili nyang cake noong 1st anniversary nila ni Erica. "You're tired. Here... They gave us a free small cake dahil inorder mo yung pinakamahal nilang cake." Inabot sa kanya ng dalaga ang bitbit na kahon. Tinanggap nya ito. "It's vanilla cake." Dugsong nya ng maibigay nya ang cake sa binata. "Why vanilla?" He was amazed. He doesn't know why. "It's your favorite?" Pilit ngumiti si Chienne. "How did you know?" Mas lalo syang namangha. How did she know? "It was just a guess. So Vanilla cake ang gusto mo? Ubusin mo yan para mawala ang pagod mo." Napangiti siya sa sinabi ng dalaga. His smile was pure and genuine. Hindi naman nya talaga paborito ang vanilla. Pero ito ang madalas ipakain sa kanya ni Erica noon kapag napapagod na ang binata sa sobrang daming paper works sa school lalo na noong thesis nila. "Wow!" Ani Chienne saka ngumiti. Tinaasan naman sya ng kilay ni Kiero. "That was the first time you smiled at me. Nakakatuwa lang. Ang sungit mo kasi." Pilit naman yung ngiti ngayon ni Chienne. "Let's go." Malamig nyang sagot saka naunang lumabas sa cake shop. Mabilis namang sumunod ang dalaga. Naghihintay ng hapunan si Kiero sa loob ng kanyang kwarto. He watched TV to kill his boredom. Nakakailang lipat na din sya ng channel ng may kumatok sa kanyang pinto. Pinatay nya ang tv saka tumayo para tingnan kung sino iyon. "Kakain na." Nakangiting bungad ni Chienne. "Bakit ikaw ang tumawag sa akin? Where is Manang Len?" Inis na tanong ni Kiero. Naiinis talaga sya sa tuwing nginingitian sya ng dalaga. Hindi rin nya alam kung bakit. "Masakit ang tuhod nya. Pinagpahinga ko muna. Nagtitimpla naman ng juice si Marya. Si Jolly, umalis kanina pinapapunta ng Mommy mo sa Ancestral house." Malumanay nyang sagot. "Sabihin mo kay Marya dito ako kakain." Isinara na nya ang pintuan ng kwarto. Wala pang ilang minuto ay may kumatok na naman sa kanyang pinto. Walang gana nya itong binuksan. Nakangiti si Chienne at bitbit ang tray ng pagkain. Pumasok na sya sa loob kahit hindi naman sya pinapapasok ni Kiero. Inilapag nya ang pagkain sa end table na nasa harap ng sofa ng kanyang kwarto. "Sinamahan ko na din ng vanilla cake. Ubusin mo yan ha? Ako ang nagluto ng ulam." Masigla nyang sabi. Nagsalubong ang kilay ni Kiero ng mapatingin sya sa ulam. "Hindi ako kumakain ng gulay. Why did you cook chop suey?! The hell Ms. Monteverde. Next time wag ka ng makialam sa kusina!" Sigaw nito. "Pero...P-Pero kasi..." Nanginginig ang boses nito. "Get out of my room now!" Sigaw nya ulit. "Okay. Hindi mo kailangang sumigaw." Binuhat nya ulit ang tray pero iniwan nya yung cake sa mesa saka lumabas. Padabog namang isinara ni Kiero ang pinto sa sobrang inis. Maagang umalis ng mansion si Kiero. Hindi na din ito kumain ng umagahan. Sinadya nya talagang umalis ng maaga dahil ayaw nyang makita ang dalaga. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din nawawala ang inis nya doon. Hindi nya rin alam kung dapat ba syang magsisi sa pagpapatuloy nya sa dalaga sa kanyang bahay. Now he needs to deal with her everyday not just in the mansion but also in the office. "Woah! What the heck, Kiero? You need to build up some muscles again. Daig mo pa ang nagkasakit!" Pang aasar sa kanya ni Zack. Dinalaw sya ng mga pinsan nya sa office. Kakauwi lang kasi ni Zack galing sa Singapore at gustong gusto talaga nyang makita si Kiero. Tumango ang binata sa kanyang pinsan. Yeah! he needs to go to the gym. Hindi naman sya ganun ka payat pero sa flat 6 nyang height he really needs to build some muscles again. "I know. Siguro after ng binyag ng anak ni Dustin magpapamember na ako sa Silverstone Gym." Sagot niya kay Zack. "Good choice. Anyway, member dyan sina James at Ricky kaya may makakasabay ka araw araw." Sang ayon naman nya. "Do you have a girlfriend now?" Zack grinned as he looked at his annoyed cousin. "Shut up, Zack! I do have girlfriends every week. Hey Maxine! Bakit ang tahimik mo?" Tawag ni Kiero sa babae nyang pinsan na tahimik na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Every week huh!" Natatawang sagot ni Zack. Tumingin naman sa kanila si Maxine saka pilit na ngimiti. "Don't mind me. May hinihitay lang akong tawag or text." She said and looked back to her mobile. "Kanina pa yan ganyan. Nangangamoy LQ." Tatawa tawang sabi Zack. Tumigil sya sa pagtawa ng makita nyang pumasok si Chienne. Inayos pa nya ang sarili saka ngumiti sa dalaga. Chienne is wearing white polo and above the knee skirt kaya litaw na kita ang maputi at makinis nitong hita. Napakabilis talaga ng mga mata ni Zack pagdating sa mga magagandang babae. "Sir, ACJ Enterprises want to schedule a meeting today for the proposal. Are you available?" "Yes. I'm available at 3 pm." Maikling sagot ni Kiero. "Okay. Noted." Ani Chienne saka ngumiti. Ngumiti din ito kay Zack at Maxine. "Hi, I'm Zack Jimenez. And you are?" "I'm Chiennevy Monteverde. Executive assistant of Mr. Sy." Malambing na sagot ni Chienne saka nakipagkamay. "What the heck Zack? Can you leave us, Ms. Monteverde?" Inis na sabi ni Kiero. Tumango lang si Chienne saka lumabas. "She's hot." Tatawa tawang sabi ni Zack. Inirapan lang sya nito. He knows his cousin well at napaka clingy nito sa mga babae. Minsan na ring nainlove ang kanyang pinsan sa asawa ni Dustin kaya hanggang ngayon hindi sila ganoon na magkasundo ni Dustin. Nagyaya ng dinner ang parents ni Dustin kay Kiero. Halos buong pamilya ay nandoon. It's like a mini reunion. Huling nakumpleto sila ay noong kasal pa ni Dustin. Tahimik itong umiinom ng wine sa balcony habang naghihintay ng hapunan ng lapitan sya ni Dustin bitbit ang anim na buwang sanggol. "Hi Tito Kiero." Ani Dustin na pinapaliit ang boses. Ikinaway pa nya ang kamay ng sanggol. "Wow! He's a Jimenez. Hi Baby?" Kumunot ang noo nya at tumingin sa pinsan. "Baby Max Austin." Tumawa si Kiero. "I bet Maxine choose that name?" "Naaah! Kara did. Kasing pogi ako ni daddy. Right, Tito Kiero?" Tumawa lang si Kiero saka marahang pinisil ang pisngi ng bata. "Mas pogi ka sa daddy mo. Don't worry tuturuan kita manchicks paglaki mo." Tumawa pa ulit ito ganun din si Dustin. "Hey! Sinong manchichicks?" Singit ni Kara. Lumapit ito sa kanyang asawa. "Hi Kara. How are you? Hindi naman pinapasakit nitong si Dustin ang ulo mo?" Ngumiti si Kara at hinimas ang likod ng kanyang asawa. "No. He's a very good husband." Mariin nyang sagot. "Anyway. Kukunin ko muna si Baby. Milk time." Dugtong nya saka kinuha ang baby kay Dustin. "Dito mo na sya padedehin." Ani Kiero. Kumunot naman ang noo ni Kara. Mahina naman syang sinuntok ni Dustin sa braso. "Are you crazy? She's breastfeeding my boy. Para kang si Zack." "Oh, Chill. I didn't know. Go ahead Kara." Ngumiti si Kiero saka ininom ang natitirang wine sa kanyang wineglass. All Jimenez siblings are complete except Ricky and James parents. Nasa Australia kasi ang mga ito at doon na nakatira. 2-3 times naman kung pumunta ang magkapatid sa Australia para dalawin ang kanilang magulang. Kumpleto naman silang magpipinsan. Pagkatapos nilang maghapunan ay nasa rooftop ang tumambay ang magpipinsan habang nakakasiyahan. Ang mga magulang naman nila ay nasa living room nag kukwentuhan. "Hindi pa ako nakakabili ng gift for baby Max. This Sunday na yun right?" Ani Sabrina. "Yep! Speaking of christening. Kiero, can you do me a favor?" Nakangiting sabi ni Dustin. Mabilis na tumingin si Kiero sa pinsan at tinaasan ng isang kilay. "What?" "Yung venue na kinuha namin biglang tumawag kanina. Hindi daw nila kami maa accommodate this Sunday, may emergency maintenance daw sila. I know it's bullshit, but we can't find another venue na kayang iaccomodate ang 500 people except for your place Kiero." Ngumiti ang kanyang pinsan. "So you mean sa mansion nyo gaganapin ang binyag?" Ani Kiero. Tumango naman si Dustin. "Okay. 80k for the rental overnight free na ang rooms. " He grinned saka uminom ng ber. "What the heck, dude?" Ani James saka tumawa. "Smartass businessman. Yan si Kiero." Singit naman ni Zack saka nakipagcheers sa kanya. "Are you f*****g serious bro?" Kumunot ang noo ni Dustin. "Yah! Kuya Kiero, It's so unfair. Bakit yung executive secretary mo free ang pagtira sa mansion mo? Tapos ang pogi mong pamangkin pagbabayarin mo? Wow!" Ani Maxine na naiinis ang tono ng boses. Kukuha sana ito ng isang boteng ber pero tinapik agad ni Dustin ang kamay nya. "Sino? Yung sexy chikas na si Chienne ba yun bro? Woah!" Tumawa si Zack sinundan ng tawanan ng magpipinsan. Nagsimula ng mainis si Kiero. "I'm just returning back the favor. His dad was a good employee and a good friend of my dad. He died last month sa sunog. Naawa lang ako. And the heck Maxine? Do you think I'm serious with the rentals?" Ani Kiero na sinusubukang kumalma. Hearing Chienne's name ay mas lalo siyang naiinis without any reason. "You are always serious simula ng mawala si Erica, hindi ka naman ganoon so ano sa tingin mo ang iisipin ko? Erica is gone so please move on! Don't be a jerk. Wag mong paglaruan lahat ng babaeng matripan mo! My friend Trina is really depressed after you dumped her! You become a f*****g jerk ng dahil sa Erica na yan! I miss your old self." Umirap pa si Maxine pagkasabi nyang iyon. "Si James naman talaga ang gusto ni Trina diba? Ginusto din naman nya iyon! And please don't mention Erica here! She has nothing to do with what I am now!" He still trying to calm kahit halata na sa tono ng boses nya ang pagkainis. "She is the reason why you became miserable! Bakit hindi mo tanggapin sa sarili mo yun? Pati ibang tao dinadamay mo!" Inis ding sagot ni Maxine na ayaw magpatalo sa pinsan. "Tama na yan! Yung binyag ang topic dito hindi si Trina whatsoever!" Awat ni Ricky. "My God! Paano ako hindi maiinis! Sobrang bait ni Trina. Kahit si Kara nagtampo sa ginawa mo. She lost her virginity with an asshole like you!" Iritang sigaw ni Maxine. "Maxine!" Mahinang saway ni Sabrina. "Do you really think so, Maxine? He took a deep breath saka yumuko. "I think I'm done here. Thanks, sa dinner." Dugtong nya saka inilapag ang beer sa sahig at tumayo. "Wait, bro. She didn't mean it. Aalis kana talaga?" Pigil sa kanya ni Dustin. Tumahimik ang iba nyang pinsan dahil alam nila kapag si Kiero ang napikon o nagalit. It's like you unleash the beast inside of him. Umiling nalang si Ricky habang nakatingin kay Dustin. "Don't worry. You can use the mansion this Sunday. Kailangan ko na din umalis." Kalmadong sagot nito. "Kiero. I'm... I'm sorry. I shouldn't have said that. Naawa lang ako sa kaibigan ko." Mangiyak ngiyak na sabi ni Maxine. Walang imik na bumaba ng hagdan si Kiero. Nagpaalam muna ito sa mga tito at tita nya pati na din sa Mommy nya bago sya tuluyang umalis. Lasing syang umuwi ng mansion. Gumegewang na ito sa paglalakad hanggang makarating sya sa main door ng mansion. Paakyat na ito ng hagdan ng masagi nya ang flower vase na foyer table. "Kiero!" Sigaw ni Chienne saka inilapag ang hawak nyang gatas at inalalayan nya ang binata. Nasa pinto na sila ng kwarto ng binata ng bigla nalang tumawa ng malakas si Kiero. "I'm a jerk, right? I'm an asshole! Bitawan mo ako!" Itinulak nya ang dalaga. "Yes, you're both! Ano bang problema mo? Bakit ka ba naglasing?" Inis na tanong ni Chienne. "You don't care! No one cares!" Tumawa na naman ito. Muli syang natumba ng humakbang ito kaya tinulungan sya ni Chienne tumayo. Pabagsak syang inihiga ni Chienne sa kama. "Ang baho mo! Ano ba yan Kiero!" Reklamo nya ng mapasubsob sya sa dibdib ng binata. Hindi na kumibo ang binata. Saglit na tumitig si Chienne kay Kiero. He looks like a sleeping baby. All the muscles in his face and body were totally at peace. No emotion. His face is so innocent.  Sana palagi nalang syang tulog she thought while smiling.  Napatingin sya sa labi ng binata. Natural na mapula ang labi ni Kiero, mas mapula lang ngayon dahil sa lipstick ng mga babaeng nakahalikan nya sa club. Napamewang tuloy si Chienne sa inis. Dahan dahan nyang hinubad ang tshirt ng binata pati na rin ang pantalon nito. He is now wearing nothing but a boxer short. Lumunok pa ito ng tiningnan nya ang buong katawan ng binata. Kumuha sya ng basang towel at marahang pinunasan ang mukha ni Kiero down to his chest. Muli na naman itong napalunok. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso nya ng makita nyang nakatingin pala sa kanya si Kiero. Mapupungay ang kanyang mata. "I miss you, babe." Ani Kiero saka hinila ang dalaga palapit sa kanya. She's on top now. Niyakap nya ito ng sobrang higpit. Kahit anong pagpupumiglas ni Chienne ay walang kwenta. "Miss na miss na kita. Bakit ngayon ka lang bumalik? Ang tagal kong naghintay. Bakit mo ako iniwan? Hindi kana ba aalis? Huwag mo na akong iiwan ha? Babe?" He is crying habang mahigpit na yakap nito ang dalaga. "Kiero. Ano ba!" Ani Chienne habang pilit na kumakawala. "Will you forgive me for being an asshole, Erica? I don't know where to start... gusto kong bumalik sa dati pero bakit ang hirap? Alam kong galit ka sa akin...Alam kong ayaw mo nitong mga ginagawa ko..." Lalong lumakas ang pagiyak nito. "Please... tell me how I can make everything right..." Sa bawat iyak ni Kiero ay unti unti namang nawawala ang higpit ng yakap nya. Chienne finally escaped from his arms. Nagroll papunta sa tagiliran ng binata. Huminga ito ng malalim at tumitig sa kisame. Pilit sinisink in ng dalaga sa utak nya ang kanyang mga narinig. He is badly hurt. Ramdam na ramdam nya yung sakit na nararamdaman ng binata sa bawat salitang binitawan nya kanina. Napapikit sya habang kinakalma nya ang sarili nya dahil sa mabilis na pagtibok ng puso nya. "Don't worry, Kiero. Just wait... Everything will be okay." She said habang nakapikit at mahigpit nyang hinawakan ang kaliwang kamay ng binata na nasa tabi lang nya. Naramdaman nyang gumalaw ang kama, after a seconds nakaramdam sya ng mainit sa kanyang labi. She was shocked as she opened her eyes... Kiero kissed her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD