Cebu
Nalalimpungatan ako sa katok na nagmumula sa pintuan ko, kaya binuksan ko.
"Hey! Wala ka bang balak bumangon at kumain, ngayon alis natin." Bungad sa 'kin ni tala.
Tala is shouting?
"Whoa, ngayon lang kita nakitang ganiyan."
Nagkibit-balikat ito. "Talaga, bilisan mo na nga!" Sigaw nito at umalis na.
Tala is really cute, lalo pag galit~~~
Lahat nang inimpake naming gamit ay na ka pwesto na sa kotse, sasakay nalang para ready na pag alis.
lumapit si tala. "Dala mo ba, lahat ng mga kailangan mo?" Na ka taas ang kilay nito.
Tumango ako. "Of course, bakit?" Tanong ko.
Umiling ito. "Nothing. Ba ka kase nagdadala ka ng mga hindi mo kailangan pampabigat at sagabal lang."
Hindi ako makapaniwala na aalis na 'ko sa bahay ko, lahat ng memories ko sa bahay na 'to ay hindi ko makakalimutan. Hindi madaling iwanan ang nakasanayan mo pero 'yun ang tama, 'yun ang kailangan kaya tamang intindihan at unawain ang sitwasyon na 'to, kahit pa malulungkot at masasaktan ako.
Nag stop over muna kami ni tala sa gas station, May kapihan dito at bakery. Malapit na rin mag dilim kaya bibilisan lang namin.
"Tala, malapit na ba tayo?" Tanong ko sakanya.
Umorder siya nang dalawang kape at dalawang tinapay, nag pa take out na rin kami ng cake pasalubong kay lola.
Tumango siya. "Yes, kaya bilisan natin kumain." Finally she's smiled at me.
"Na ko, mga apo ko ang gaganda niyo!" Bungad sa amin ni lola.
I thought. Tuluyan na siyang malululong sa kasinungalingan, may natitira pa pala siyang kabaitan.
"Lola, finally you are honest na po!" Ani tala at Nginisian niya si lola.
What the f**k tala, mahilig si lola mag kwento nang mga fantasy lalo sa mga bata, she's a story maker. Maganda sana kung love story at horror story ang mga kwento niya. But atleast i love her pa rin.
Magpapahinga na kami ni tala, tapos na rin kami kumain.
"Kat, gusto mo mag libot bukas?" She whispered.
Tumango ako. "Sure, kailan bukas?"
"Hindi, next week!" Aniya na naiinis.
Apat ang kwarto dito sa bahay ni lola, kaya mag kahiwalay kami ni tala ng silid. Si lola naman sa sala natutulog, i think naghihintay siya nang mahika, mga lola nga naman!
"Kat, labas?" She whispered.
Tumango ako. "Sige, pero mabilis lang gabi na eh.."
Masyadong delikado lalo na't gabi, mga babae pa naman kami, hindi naman ako lalaki para bugbugin ang kung sino mang lalapit kay tala.
Ang ganda ng cebu, ang mga city lights ngayon gabi palang pano pa kaya pag umaga na, matatanaw na ang mga magagandang tanawin.
And talatiana also...