Nag kakagulo ang buong Razon Corporation dahil sa pag take-over ng Lagdameo and Montenegro Group. Marami ang hindi pumabor sa ginawa n'ya sa company ng papa n'ya pero kung hindi n'ya bibitawan ang corporation at pag kakatiwala ito sa mga kapatid at sa mga taong pinag katiwalaan ng papa n'ya tuluyan babagsak ang pinag hirapan ng Papa n'ya. Noong buhay pa ito nagawang pag nakawan ng asawa dahil sa mga taong pinag katiwalaan ng papa n'ya. Kaya tama lang na linisin n'ya ang kalat hindi para sa pamilya ng Papa n'ya kundi para sa mga taong umaasa sa kani-kanilang mga trabaho na possibleng mawala kung hindi s'ya kikilos ng tama. Dumaan naman sa tamang proseso at botohan ang naganap na turn-over at majority ng nasa top management pumayag pero yung mga tiwali at kasabwat ng madrasta mga nag-iingay.

