Habang kinukuskusan ni Megan ng buhok ang asawang pinaliguan ramdam n'yang nakatitig lang sa kanya si Railey, hindi naman n'ya magawang tingnan ito, ewan ba n'ya parang na hihiya s'yang ewan. Para s'yang teenager na kaharap ang crush ang bilis ng t***k ng puso n'ya. Iniimagine n'ya paano kung halikan s'ya ni Railey tapos s'ya marupok bibigay agad, Hay paano ba tumangi sa lalaki? Pag dating kay Railey kahit ayaw ng utak n'ya kahit sinasabi n'yang galit s'ya rito pero oras na mabola lang s'ya nito ang bilis n'yang lumambot. "Noon pangarap lang kita." wika ni Railey na ikinatingin n'ya rito at nag salubong ang kanilang mga mata. Umangat ang kamay ni Railey at hinawakan s'ya sa bewang at mas inilapit. Naka-upo ito sa hospital bed nito habang s'ya ay nasa pagitan ng mga hita nito. "Ngayon abo

