Nanlalamig ang kamay ni Megan, this is it pancit! Sobrang bilis ang t***k ng puso n'ya habang pababa s'ya ng hagdan mula pa kanina meron ng mga drone camera na nakasunod sa bawat galaw n'ya maging sa mga abay n'ya. Si Cleo sana ang maiden of honor n'ya kaso hindi daw ito pinayagan. Kaya wala choice kundi si Blessy na lang ang napilitan na mag maiden of honor kahit ayaw nitong mag suot ng gown. Hindi naman tomboy ang kapatid hindi lang talaga ito mapipilit na mag suot ng gown. Labag sa kalooban nito na mag suot ng gown pero nakakapag-suot naman ito ng dress ayaw lang talaga ng mga sinusuot sa kasal kasi makati daw. "You're so beautiful hija." puri ng ina habang suot n'ya ang sarili n'yang design na wedding gown na ilang buwan din n'yang pinag puyatan. "I born beautiful Ma, diba pa." ngumi

