"Maniwala ka naman meme, wala nga akong kinalaman sa ginawa nila Sevy, wala akong inutos sa kanila. Please maniwala ka naman." wika ni Railey habang nag lalakad na sila papasok ng loob ng bahay. "Wag ka ng mag explain, wala akong paki-alam." "Meme naman." "Ano ba kayong dalawa? Nag -aaway ba kayo?" tanong naman ni Ivo na kalalabas lang ng studyroom bitbit pa ang laptop. "Pa, tulungan n'yo nga po ako. Nagagalit sa akin si Megan, ayaw n'yang maniwala na wala akong kinalaman sa mga ginawa nila Sevy." "Ano bang nangyari." tumarak naman ang mata ni Megan na tumingin sa ama. "Ibinahay ni Railey yung kabit n'ya." "What? sobra naman yun Megan." galit na bulalas ni Railey na medyo ikina-konsensya naman bigla ni Megan dahil sa timbre ng boses ni Railey. "O sige, hindi mo pa kabit pero possi

