"Okay ka lang bakit parang wala ka sa mood." tanong ni Megan sa asawa ng makitang nakadapa na itong nakahiga sa kama. Kanina pa ito tahimik simula ng kaunin s'ya nito sa shop. Para bang ang lalim ng iniisip nito nakakapanibago lumapit s'ya rito saka dumapa rin ng higa saka umagat ang kamay na sinuklay ang buhok niyo na medyo basa pa dahil sa pag kakaligo. Nag dilat ng mata si Railey at tumingin sa asawa. "Ang daming laman ng isip ko hindi ko na laman kung anong uunahin." mahinang bulong ni Railey na muling pumikit. Gumapang naman si Megan palapit ng husto kay Railey at idinikit ang noo sa noo ng asawa. "Okay game na pasa mo na sakin yung iba, hindi man kasing lawak ng storage ng utak mo ang utak ko i guarantee you kahit papano makakatulong din naman. Kapag na pasa mo na yung iba mamaya i

