“Hey,” untag ni Kim sa kapatid nang makalapit kay Kelly na ilang oras nang naka-upo sa garden set at nakatanaw sa kawalan. “I brought you hot chocolate.” Hindi ito sumagot, nanatili itong walang imik at ni hindi man lang siya sinulyapan. Itinuloy niya ang paglapit at naupo sa katabing upuan ni Kelly. Inilapag niya sa mesang gawa sa kahoy ang tasa ng hot choco na para rito. “Medyo malamig ngayong umaga at ang sabi ni Mama ay dito ka dumiretso pag-baba mo. Have a sip at least— para kahit papaano ay mainitan ang sikmura mo.” This time, Kelly turned to her. Her eyes were empty, and her face void of any emotion. “Thanks,” sabi lang nito sa mahinang tinig. Niyuko nito ang tasa ng tsokolateng inilapag niya sa mesa, sandali iyong sinulyapan, bago muling ibinalik ang tingin sa kawalan. She s

