Nagsalubong ang mga kilay ni Kelly nang mula sa malayo ay may makitang nakaparadang sasakyan sa harap ng bahay ng mga Craigs. Dahan-dahan niyang inihinto ang kotse habang papalapit sa bahay nila. "Daddy's home!" sigaw ni Karl nang makita rin ang sasakyan. Bumangon ang pag-asa sa kaniyang dibdib. Pero hindi pa sila sigurado, kung ang pagbabasehan ay ang tono ng pananalita ni Kimmy sa telepono kanina, hindi niya alam kung ikaliligaya nila ng anak ang kung sino mang naroon at naghihintay sa bahay ng mga Craigs. Because her sister sounded... confused. Muli niyang sinulyapan ang bahay nila Brad nang dumaan ang sasakyan niya sa harap. Ang nakabukas na front door ang kaagad niyang napansin. Ang huling taong naroon ay si Mr. Arsen Craig noong dalawin sila nito apat na taon na ang nakararaan

