Pumasok ako sa klase na parang walang nangyari.
Na parang hindi nasaktan.
Kanina sa Science time namin, nag cutting ako.
Hindi ko kaya na makita ang pagmumukha nya.
Ayoko talagang tinatawag ako ng baby girl ni Daddy pero pag sya ang tumawag nyan sa'ken gustong gusto ko.
Maypa text text pa sya.
Maypa order order ng pagkain.
Namasyal sa Enchanted Kingdom.
Tapos tangina!
PAASA!
"Anak," hindi ko namalayan na nakatunganga lang ako sa harap ng pagkain.
Nandito si Dad maysasabihin daw syang importante sa'min ni kuya.
Tss, hindi naman ako interesado.
"Anak, m-marami akong k-kasalan sa inyo" panimula nya.
Mabuti alam mo.
Gusto kong magsalita pero alam kong masisigawan ko lang sya, ayokong magka eskandalo dito sa Restaurant.
"H-hindi pa kami kasal ng mommy mo noon, may na b-buntis ako" nagiginig sya sa takot sa magiging reaction namin.
Hindi ako nagsalita.
Dahil kung nanginginig sya, ako rin nanginginig sa galit.
"3 years yung tanda nya sayo anak," tinignan nya si Kuya na nakatingin sa kawalan at tulala.
"At 8 years naman yung gap nyo baby girl"
Ngumiti sya sa'ken.
Tangina, baby girl.
"Nandito sila ngayon,"
"Excuse me, Cr muna ako" tumayo ako.
Tinignan ako ni Kuya, alam ko na nag aalala sya sa'ken kaya ngumiti lang ako sa kanya at dumeritso sa Cr.
Umiyak ako ng umiyak sa Cr.
May anak sa labas si Daddy.
Depress na depress si Mommy ngayon na nasa States.
Buntis yung nag iisa kong matalik na kaibigan.
Hindi vocal si Kuya sa'ken pero alam kong may problema rin sya.
Tapos si Sir Adi, paasa!
"Kailangan mong maging matatag," tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Maraming nagmamahal sayo, diba dapat maging masaya ka, dahil may isa ka pa palang kapatid, hindi ito ang katapusan ng mundo" umiiyak ako habang nakatingin sa salamin.
Pinapagaan ang loob ko.
Noong umulan ng Problema, nasalo ko yata lahat.
Nag hilamos ako at inayos ang sarili, nagtataka na siguro sila ba't hindi pa ako lumalabas.
Paglabas ko apat na ang naka upo sa lamesa namin. Si Daddy si Kuya at may isang babae na hindi ko makita dahil nakatalikod, at ang katabi nya na isang lalake, na kahit likod palang ay alam ko na kung sino.
Sir Adi.