Chapter 11

704 Words
Hindi naman ako masyadong nag expect na pupunta sya, pero tangina ang sakit! Akala ko ba pupunta sya ngayon dito, hindi nga sya sumabay kay Mommy sa Bacolod dahil dito eh, tapos ngayon wala sya?! Pero baka late lang. Pero tangina, patapos na ang programme! At ang gaga namang si Marie hindi ko mahanap! Nilibot ko na ang buong campus pero walang Marie na nagpakita, tinawagan ko naman pero hindi nya sinasagot! Hay nako! Pumunta nalang ako sa Cafeteria at kumain mag isa. Walang pasok mamayang hapon kaya yung iba umuwi na. May bigla namang umupo sa tabi ko. Si Sir. Ngumiti ako sa kanya kahit pilit lang. "Hi Sir, kumain ka na? Halika sabayan mo na ako" pag aayaya ko sa kanya. "Burger lang ang kakainin mo?" Tanong nya. Wala kase akong ganang kumain ngayon, gusto ko nalang umuwi at mag mokmok sa kwarto At Umiyak. "Libre na kita ng Lunch, sumama ka sa'ken" at biglang tumayo. Nagulat naman ako Kumain ng Lunch? Hindi sa Cafeteria? Omyghad! Sa labas ng campus?! Halaaa, date ba'to? Tinignan nya ako dahil hindi pa ako tumayo "Baket? Ayaw mo ba?" Tanong nya. "Ha? Gusto Sir! Libre yan eh! Arat na!" hinila ko pa sya sa braso papuntang parking lot. ------ "Congrats, Ms. First Honor" panimula nya ng nasa sasakyan nya na kami. Ang linis ng sasakyan nya tapos yung bango parang sya! "Salamat Sir, pinagbutihan ko talaga yung pag aaral ko dahil sayo" pambibiro ko. Tumawa naman sya. Naks, napapadalas yung tawa natin Sir ah. "Wala akong nakita na may sumama sayo kanina sa stage, wala ba yung Daddy mo?" Bigla ko namang naalala si Dad. "Ah busy kase sya Sir may pinuntahan na importante" kahit galit ako sa kanya hindi ko namang gustong dungisan ang pangalan at ang pagiging ama nya. Nandito kami sa Mall naghahanap ng Resto na pwedeng kainan. "Sir ba't ka naka shades tapos naka jacket, nilalamig ka ba?" Tanong ko sa kanya. Nagbihis na pala sya, hindi na sya naka uniform pero ako naka uniform pa din. Tinignan nya lang ako at ngumiti. "Mcdo nalang tayo, puno lahat ng Resto eh. Okay lang ba?" Sabi nya,hindi man lang sinagot yung tanong ko. "Oo, okay lang" --------- Pagkatapos naming kumain nag libot libot kami sa Mall. Bigla naman akong napahinto ng may nakita akong pamilyar na lalake na may kasamang babae. Dad. Nagtago kaagad ako sa isang bookstore habang tinitignan pa rin si Daddy hindi ko na namalayang sumunod pala si Sir saken. "Baket? May problema ba" At sinabayan nya ako sa pagtago. "Shh, wag kang maingay Sir. Wait lang" tinignan nya rin si Daddy na nasa harap lang. Matawagan nga. Tsk. Dialling: Daddy Tutok na tutok pa rin ako sa kanya habang tinatawagan sya, nakita ko naman kung paano nya kinuha ang ang kanyang cellphone at sinagot ito sa harapan pa ng kanyang bagong babae! Oo, bago dahil hindi ito yung babaeng nakita ko sa picture na kasama nya sa Trip nya sa Surigao! "Baby girl sorry hindi naka punta si Daddy sa Recognition mo may importante kase akong ginagawa" Tangina, ang importante nga at isa pa ayoko talagang tinatawag nya akong baby girl. "Nasaan ka po?" Kontrolado yung boses ko kahit galit na galit na ako sa kanya. "Nasa office ako anak, ang busy ko talaga. Sorry bibilhan nalang kita ng gift ha? Sge bye na ang dami ko pang inaasikaso" At pinitol ang tawag. Tinignan ko sya at paalis na sila ng bago nyang babae. Mga putangina! "Ez, okay ka lang ba?" tanong bigla ni Sir. Hala, nandito pala si Sir. At ano Ez? Nickname ko yun ah! Gusto ko sana syang asarin pero wala ako sa mood. Nakakapuntangina lang talaga yung nasaksihan ko kanina. "Gusto mo ba mag timezone muna? May card ako dito or gusto mo manuod ng Cine? Kumain sa Yellow Cab? Starbucks?" Napangiti ako. Gusto ko sanang sulitin ang araw na ito at ituring date namin, pero hindi ko talaga kaya atat na atat na ang mga luha at gusto ng makawala. Gusto ko munang mapag isa. "Sir, uuwi na ako" bago nya pa makita ang mga luha ko. "Hatid na kita" "Wag na" "Hatid na kita" at hinawakan ang kamay ko papuntang parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD