Chapter 6

741 Words
"Anak, ang kuya mo ang susundo sayo mamaya ha?" Si Mommy ang ang hatid sa'kin ngayon. "Opo." bumeso ako sa kanya at bumaba na sa sasakyan. Sakto namang pag baba ko ay ay ang pag dating ng 'oh-so hot-and-handsome-' naming teacher dito sa school. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya at sinabayan sya sa paglalakad. Medyo nagulat pa sya sa presensya ko kaya napangisi ako. "Naks, Sir ah, alas syete pa ng umaga nandito kana sa School. Excited kang makita ako?" pangungulit ko sa kanya. "Good morning din, Ms. Ledezma" sarcastic nyang tugon. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa dumating kami sa office nya pumasok sya kaya syempre pumasok na rin ako. "Since you're here, ngayon ko nalang sasabihin" tinignan nya ako ng seryoso at umupo sa swivel chair niya. Oo, kinakabahan ako. Pero tinignan ko pa rin sya sa mga mata nya at ngumiti. "Ms. Ledezma. Yung sinabi mo kahapon-" pinutol ko kaagad sya. "Sir. Bakit ba? Manliligaw lang naman ako sayo eh. Gusto kita. Ano ba ang mali dun?" Tumitig sya sa'ken ng mga 15 segundo pero agad nya rin itong iniwas. "Anong mali doon? Syempre mali yun! Usap usapan sa ibang teachers na matalino ka. Alam ko na alam mo na mali yang ginagawa mo!" tumayo sya kaya tumayo na rin ako. Galit siya? Bakit siya galit? "Mali ba ang magmahal?" naiiyak man pero tinanong kopa rin sa kanya, hindi naman siya umimik. Mali ba ang mag mahal? "Ms. Ledezma, what are you talking about? Seriously? You're too young! Hindi mo pa alam kung ano ang ibig sabihin ng salita na 'pag ibig'-" "Kung hindi ko alam, sige nga, iexplain mo sa'ken kung ano 'tong nararamdaman ko para sayo." tanong ko sa kanya. "It's just an infatuation." mahinahon niyang tugon. Sino siya para husgahan ang pagmamahal ko sa kanya? Wala siyang alam! "Tama man o mali, liligawan pa rin kita Sir. Walang makakahadlang" ngumiti ako sa kanya para mas pikonin siya. "Masasaktan ka lang sa huli." seryosong seryoso ang mga mata niya. "Okay lang yan Sir, sa huli pa naman. Goodbye po." ngumisi ako bago pumunta ng classroom. ------------- Math ang first subject namin, mahina ako dito kaya dapat making ako. Good thing na nasa unahan ako kaya mas nakakapag focus ako. Nagbigay muna ng quiz yung Teacher namin sa Math bago sya umalis. Okay lang na bagsak ako sa quiz na 'yon. Marami naman kami. Nagkukwentuhan ang mga girls habang nag lalaro ng ML ang mga boys dahil wala pa ang next subject teacher namin. Ito namang si Erik na nasa tabi ko kanina pa ako kinukulit. Hindi dahil gusto nya ako kundi gusto nyang salapirin yung buhok ko! Classmate kami ni Erik since elementary kaya kilalang kilala na namin sya ni Marie at syempre secret lang namin yung true colors niya. "Sge na teh, ang ganda ng hair mo! Ano ba shampoo mo? Nabibili lang ba yan sa sari sari store? hihi" bulong niya kase ayaw nyang mabuking at malaman ng iba kong kaklase ang totoong kulay niya. "Gago, kung gusto mo punta ka sa bahay dun ka maligo tapos hiramin mo shampoo ko" pambabara ko sa kanya. "Ang ganda at ang bango-" hindi pa tapos si Erik ng may nagsalita. "Good morning class" Si Sir! Science namin sya?! Matutuwa ba ako o malulungkot? Syempre Ezha, dapat kang matuwa matagal mo na 'tong pangarap diba? Mag papaparty tayo mamaya. "Good morning Sir." "Take your seat," "Since first regular class natin ngayon. May quiz ako, review lang 'to kung may natutunan kayo nung grade 9 pa kayo" ngumiti sya at napako ang tingin nya sa'ken at agad ring nag seryoso. Anong problema mo? "Every Teachers dapat may student assistant. Kaya kung gusto nyong maging student assistant ko dapat ma perfect nyo 'to. Sa klase ko walang naka perfect kaya nagbabakasakali ako na sana meron na dito. By the way, Sino ba yung president nyo dito sa classroom?" tanong nya. Tapos na kaming nag elect ng mga officers at syempre ako yung naging President. Nakakainis nga eh bakit may pa president president pa eh madami namang sipsip at feeling president dyan, hindi ko sinasabing si April, pero parang ganoon na nga. Tinaas ko ang kamay ko. Ako yung president eh. "Uh- okay. Secretary?" Tanong nya. "Yes sir" proud namang tumayo ang Lider sa mga sipsipers na slapsoil na si April. Tangina, mukha pa ba yan? Yung pisnge ang pula, parang sinampal ng demonyo. Tsk. Tsk
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD