"Oh sige, Basta siguraduhin mo lang makukuha ko ang kapalit balang araw" .. Halos madapa na ako kakatakbo at pag mamadali papuntang room. Late na kasi ako, at hindi biro ang malate ngayon. Terror Prof kasi ang magtuturo samin ngayon. Nang makarating ako ng room, agad kong binuksan ang pinto at hayun! Bumungad sakin ang nakapamewang na baklang terror na prof naming mukhang palaka. De'joke! Magaling naman yan kahit papaano. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, ramdam na ramdam ko na nga ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin galing sa AC. Nagtitigan pa kami ni Prof for about 1minute. Nang humakbang ako ng isa, nagulat ako sa sigaw nya .. "YOU'RE LATE AGAIN, MISS STIRF!!" Bulyaw nya. Napalunok ako ng mariin. Ni hindi ako makasulyap man lang sa mga kaklase ko. Gusto ko ng barahin

