Matapos akong mag-ayos ng sarili, agad na akong bumaba ng hagdan at dumiretsyo papuntang car park.
Nagdrive ako papuntang bahay nila Zac. Ngayon kasi ang usapan, 7pm.
Zac Rypo Ven. Sya ang bestfriend ko. Since we were in elementary. Lagi akong nabubully noon, at sya ang tagapagtanggol ko.
Sobrang bait nya sakin at napakalambing. Naghiwalay lang kami ay nang makagraduate kami ng highschool.
Sa States na sya nag-aaral. Isa syang half american, half filipino. Mayaman ang pamilya at napaka gwapong lalaki nun ni Zac.
May gimik sana ngayon ang barkada pero nag pass muna ako dahil nga sa may lakad ako. Syempre, once in a blue moon lang umuwi ang best friend ko, kaya sya na muna priority ko today.
Nang makarating ako ng bahay nila, hindi na ko kumatok. Dumiretsyo na ako sa sala at naabutan doon ang Mama, Papa at Kuya nya.
"Avery!" Bati ni Tio Zid, papa nya.
"Good Evening po!" Nakangiti kong bati
Lumapit naman agad sakin si Tia Cayn, Mama nya. At niyakap ako ng mahigpit
"Kamusta ka na iha?" Nakangiti nitong tanong
"Ayos naman po Tia." Sagot ko
"Hey Avery! Hindi ka parin tumatangkad uh?" Loko ni Zane. Kuya ni Zac
"Haha matangkad ka lang talaga masyado kaya hindi mo pansin na tumatangkad na ko" nakangiti kong sagot
"Nyenye whatever" sagot naman nya
Nagtawanan kami at nagsalita naman si Tio
"Zac is in his room. Go get him!" Nakangiting sabi nya
Nag-nod naman ako at tumakbo paakyat sa kwarto nya. Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto. Hindi naman nakalock.
"ZAAAAAACCCC!!" Sigaw ko at sumugod papalapit sa kama nya. At loko? Ngiting aso!
Nagyakapan kami for about 5minutes. Sobra naming namiss ang isa't isa!
"So how are you?" Tanong nya
Nag 'okay sign' naman ako at ngumiti.
"I'm always fine" sagot ko
I lied.
"You liar!" Sagot nya
See? Kilalang kilala na nya ako.
"Bakit? Totoo naman uh!"
"Hm. I missed you so much!"
"Awwe, i miss you too! May girlfriend na ba ang Best friend ko?" Panunudyo ko
Umiling lang sya at umakbay sakin.
"Alam mo namang may iniintay pa ko diba?" Sagot nya na nakapagpabilis ng t***k ng dibdib ko.
Ano bang nangyayari sakin?
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, hindi maganda ang ibig nyang sabihin? O hindi ko lang talaga gustong malaman kung sino ung hinihintay nya? Ay ewan! Basta. Hindi ko alam.
Nagseselos ako? Siguro. Kasi hindi ako sanay na makitang may girlfriend sya. Or hindi lang talaga ako sanay na may kahati sa atensyon nya. Para ko na kasing kapatid si Zac.
Umayos ako ng upo sa kama nya at may isinalang naman syang CD sa DVD player nya. Nagpalinga linga naman ako sa kwarto nya at mukhang mas nadagdagan pa ang mga gamit nya doon. Ung mga collections nyang Man doll. Yes! He's collecting Man doll's. Minsan nga iniisip kong bakla ata iyang si Zac. Pero hindi naman daw.
Isa kasing magaling na Designer yang si Zac sa States. Iyon ang part time job nya. So, nagsisilbing models ang mga Man dolls at iyong mga damit na suot nung dolls ang mga sariling design nya. He's successful na talaga! Nakakainggit naman at nakakaproud.
"Ilan na ang mga Man dolls mo?" Tanong ko bigla ng makaupo sya sa tabi ko.
"3,000 na. Why?"
Nanlaki naman ang mga mata ko doon! grabe. Ang dami na pala talaga!
"So, ganun narin karami ang designs mo?" Tanong ko pa. Nag-nod sya habang nakangiti
"Grabe! Ikaw na talaga Zac! I'm so proud of you!" Nakangiti kong sabi.
"Thanks Avery. Ikaw ano bang ibabalita mo sakin?"
Ano nga bang ibabalita ko sa kanya? Meron bang maganda? Wala naman diba? Puro kamalasan at kahihiyan ang mga nangyayari sa buhay ko. Walang progress. Same ground. Or mas bumaba pa nga ata?
Umiling ako.
"Anong panonoorin natin?" Pag-iba ko ng usapan.
Bago pa man sya sumagot ay kumatok si Nana Elaine, Yaya ni Zac. At dala dala ang tray na may popcorn, pizza, fries at juices.
Inilapag naman iyon ni Zac sa kama sa harap namin at nagsimula na kami. Nagsimula narin ang palabas.
Habang nanonood kami, ramdam na ramdam ko ang mga tingin nyang mapanusok. Kaya kada nararamdaman ko iyon, bumubuntong hininga nalang ako.
Minsan hindi ko din kasi maintindihan ang takbo ng utak nyang lalaking yan! Bestfriend ko sya, pero minsan weird sya. Pareho kami kaya siguro nagkakaintindihan kami.
Lumipas ang oras, nakakatatlo na kaming palabas at ubos narin ang mga pagkain. Busog na busog na ko!
"Zac, tara sa rooftop?" Pag aya ko.
Ngumiti sya at tumayo na. "Sige" sagot naman nya.
Nauna syang lumabas ng kwarto at sumunod naman ako. Naglakad kami paakyat sa rooftop. Tahimik na ang bahay at mukhang tulog na sila ng biglang ..
"Hey! You two, where do you think your going huh?"
Dahan dahan kaming lumingon ni Zac at napabuntong hininga naman ako ng malamang si Zane lang pala. At may kasamang babae pa!
"Shut up you playboy!" Sagot naman ni Zac
"Sshhh, it's a secret lil brother!" Pabulong nitong sabi pero umirap lang naman si Zac at nagpatuloy na kami sa pag akyat sa rooftop.
Hm. Bumulong pa, rinig naman nung babae. Minsan thankful din ako kasi si Zac ang naging kaibigan ko at hindi iyong uhuging manyak nyang kuya!
Kundi awan nalang ang kapalaran ko ngayon. At buti nalang talaga hindi ganoon ang ugali ni Zac! Sobrang layo ng ugali nilang dalawa. Parang si Zac nakuha kay Tia, at ung si Zane naman ay kay Tio. Pero masisisi ko ba sila? Lahat naman may dahilan.
Nang makarating kami sa Rooftop nila, humiga kami ng magkatabi at tahimik lang na pinagmasdan ang kalangitan. I wonder what his thinking right now. Makailang beses ko na kasing naririnig ang pagbuntong hininga nya. Para bang mayroon syang hindi inaamin.
Itanong ko kaya? Hindi naman siguro masama diba?
"Zac?"
"Hmm?"
Huminga ako ng malalim. Nag-uusap kami habang nakatitig lang sa kalangitan. Mahilig naming gawin to ng mga bata pa kami.
"May problema ka bang hindi sinasabi sakin?"
Sandali syang hindi sumagot at walang kibo. Naghihintay lang naman ako't nakikiramdam. Ng biglang ..
"Meron. Marami" sagot nya
"Tell me. Bestfriend mo ko. Nandito ko para sayo."
"So, this is one of my problems. Explain this" mariing sabi nya
Inilabas nya ang phone nya at may ipinakitang picture. Picture iyon ni Shawn kasama ako. Iyon ung mga oras na nag-uusap kami sa Terrace ng kwarto nya. Sino namang nagpicture nyan? Ayoko na sanang maalala pero bumabalik na naman ang lahat.
Umiling ako
"Kaibigan ko lang yan"
"May kaibigan bang naghahalikan?" Tanong uli nya sabay niyon ang pagpakita nya ng picture na magkahalikan kami ni Shawn. Ung mga oras na lasing na kami. Walang modo ang kumuha ng picture na iyon! Pinababantayan ba nya ako?! Oh may gusto lang talagang manira ng pangalan ko!
"ANSWER ME AVERY!" Sigaw ni Zac na nakapagpagising ng diwa ko
Umiling uli ako. Teka, sobra naman ata ang inaasta ni Zac ngayon. Alam ko mali ang magsekreto sakanya dahil halos lahat ng pangyayari sa buhay ng isa't isa ay kinukwento namin kada mag-uusap kami sa tawag.
"Wala. May naninira lang sakin!" Inis na sabi ko. Totoo yang picture na yan, pero ayoko namang pati ang bestfriend ko dumumi ang tingin sakin! Ayokong pati sya mairita na sakin.
"Bakit hindi mo sakin sinabi? Gusto mo ba sya? Mahal? Mahal nyo ba ang isa't isa? Are you happy with him? Answer me honestly Avery!" Mahinahon nyang sabi pero bakas sa boses nya ang galit.
Pero bakit naman sya magagalit? Hindi sya ganito dati! Hindi. Nagbago na sya
Umiling na naman ako. Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang umiling.
"SPEAK!!" Sigaw pa nya
"Dahil ikinahihiya ko ang sarili ko! Oo, Oo, Hindi, Oo!" Tears streaming down my face.
Hindi ko na napigilan. Parang sinampal na naman ako ng realidad na hindi talaga ako gusto o magugustuhan man lang ni Shawn. At napakasakit lang isipin na ibinigay ko agad lahat! Lahat.
Umupo sya at narinig kong sumisinghot sya. Umiiyak sya? Umupo narin ako pero hindi kami nagkikibuan hanggang sa magsalita na uli sya ..
"You know Avery, I hate myself! I really hate myself because .. just because .. I'm still not having the f*****g enough confident, to admit it."
Tumayo sya at tumalikod na. Nagsimula ng maglakad pero biglang huminto.
"You can go home now. Just be careful." At pagkasabi niyon ay tuluyan ng bumaba.
Yun na yun? Pinapunta nya ko dito para sigaw sigawan at ipamukha ang katangahan ko? Bakit ba sya ganyan kagalit? Ano bang nagawa ko?
Naiwan naman akong umiiyak sa inis. Hindi na talaga sya si Zac!
Nagdrive na ako pauwi sa bahay. Mukhang sumasabay pa ang kalangitan, dahil biglang lumakas din ang ulan. at may nadatnan pa akong sasakyan sa labas ng bahay ko. Bumaba ako ng sasakyan at natagpuan ang isang lalaking nakaupo sa tapat ng gate ko at nakayuko.
"Si-sino ka?" Tanong ko
Napaatras ako ng malaman kung sino sya.
"S-shawn?"
Agad ko syang nilapitan at inakay papasok sa bahay. Nanginginig na sya sa sobrang lamig at basang basa narin ang buong katawan nya.
"Ano bang ginagawa mo?"
"I- i just want t-to ta-talk to .. to you" nanginginig parin nyang sagot.
Pinasok ko sya sa kwarto ko't tinulungang magpatuyo. Inabutan ko sya ng mainit na kape at pinunasan ang mga paa nyang nanginginig sa lamig.
Kung hindi ko lang talaga to ano .. nasapok ko na to!