"Aayusin ko lahat!" Ilang linggo na ang nakakalipas ng makalabas ako ng ospital. Pero hindi ko parin nakikita si Avery. "Mom, I need to go" paalam ko Naguguluhan ako dahil ngayon lang naghihigpit sila Mom sakin. At nakakapagtaka iyon! Ano bang nangyari matapos ung pang bubugbog sakin? "At saan ka pupunta?" Nakataas kilay nyang tanong. Alam kong hindi nya ko papayagan kaya nag-isip nalang ako ng palusot Sabihin ko kayang pupunta lang ako kina Augen? Kaso baka tawagan sya at tanungin "May bibilhin lang sa mall" Hindi na ko nag-intay pa ng sagot at naglakad na ako palabas ng bahay. Nagdrive ako papunta sa bahay nila Avery, syempre chineck ko kung may sumusunod sakin. Wala naman. Nang makarating ako sa kanila. Medyo kumirot pa ang mga sugat ko pero kaya ko naman na. Nag doorbell na

