"Kay gandang pagmasdan nitong dyamante." saad ni Mania na siyang nagbigay takot sa lahat. Hawak na niya ang Diamante de la immortalidad. Binalot ng mahabang katahimikan ang kapaligiran, walang nangahas na nagsalita. "Kaya mo ba? Aalis na tayo. Lalayo tayo!" sabi ni Liana sa nanghihina na si Armania ngunit napasigaw silang dalawa ng biglang may humablot kay Armania papalayo sa kaibigan nito. Kita ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Armania dahil sa higpit ng pagkakahila ng buhok nito. "She's here your mistress." sabi ng isang lalake at lumuhod pa ito sa harap ni Mania na ngayon ay nakangiti. "Alam niyo. Isa kayong malaking duwag!!" Sigaw niya sa lahat ng dyos at dyosa na nasa harapan niya. Galit ang makikita sa itim nitong mga mata. "Dumedepende kayo sa isang walang kwentang bato na i

