Armania
Habang papalapit ako sa mga kaibigan ko ay may nakasalubong akong babae. Halatang mataray ito dahil na rin sa mukha. Nang napaharap ito sa akin ay itinaas nito ang kilay saka bigla akong binato gamit ang isang dahon. Sa una akala ko ay isa lamang itong ordinaryong dahon pero ng lumapat sa balat ko ay nakaramdam ako ng pangangati. Kinamot ko ang parteng 'yun, napatigil lang ako sa pagkamot ng marinig ko ang hagikgik ng babaeng bumato sa akin kanina.
"Anong nakakatawa?" Seryosong tanong ko ngunit tinaasan lang uli ako nito ng kilay saka hinaplos ang dulo ng buhok nitong may kahabaan.
"Nakakatawa lang kasing makita na may hampas lupang naiirita dahil sa kapangyarihan ko. You see, I am the most powerful in this place, so, lumugar ka. Bakit ka nga pala nandito? Sa tingin ko naman ay isa ka lang mahina at walang kwentang nilalang." Bakit ba ang yabang nito? Kapangyarihan ba ang tawag niya jan?
"Ang kapangyarihan ginagamit upang makatulong hindi para makapaminsala."
Iwinagayway nito ang kamay sa harap ko. "No, 'wag mo akong bigyan ng rason na kagaya mo. Walang kwenta. Kung ako sa'yo umalis kana dito."
Naiinis na ako sa babaeng ito, ngunit nanatili akong kalmado.
"At bakit ako aalis?"
"Ulit-ulit? Tanga ka. Kasi nga hindi bagay ang mga taong walang silbi rito. Naiintindihan mo? Or bobo ka?" Magaling din to eh. Ito ba ang way ng pagwewelcome sa lugar na ito? Kung ganun nakakawalang gana.
"Hmmm, kung hindi bagay dito ang walang silbi, eh bakit ka nandito? Wala kayang kwenta 'yang ugali mo. Mukha ka ngang tao pero 'yang asal mo mas masahol pa sa aso. Malakas ka? Pwe!" Dumura pa ako "Wala rin 'yang kapangyarihan mo eh. Ang yabang mo akala mo ikinaganda mo?" Akmang sasagot na ito pero inunahan ko na. "Oh ano? Sasagot ka uli ng kagaya mo? Walang kwenta?"
Huwag na huwag mo akong inuunahan dahil hindi ako ang tipo ng taong bigla na lang susuko ng hindi lumalaban.
Napansin ko ang biglang pagbago ng buhok nito.
Hindi agad ako nakahanda dahil bigla itong nagpalabas ng mga dahon na may kasamang kuryente.
Ilan sa mga atake nito ay naiwasan ko subalit ang iba ay tumama sa akin. Inaamin kong nakakapanghina ang bawat dahon na tumatama sa aking katawan.
Napaluhod ako ng bigla na lang matamaan ang tuhod ko. Tumigil ito saka tumawa ng tumawa.
"Hahaha! You are a loser. You see? You are nothing against me. You are weak. Ikaw ang mayabang hindi ako. Siguro nagmana ka sa magulang mo. MGA MAHIHINA!!" Dahil sa sinabi nito ay nandilim ang paningin ko.
Bigla 'kong hinawakan ang leeg nito saka ito tiningnan direkta sa kanyang mata.
"'Wag mong idadamay ang magulang ko!" Mahinahon na sabi ko.
Ramdam ko ang pagbaon ng aking kuko sa leeg nito at tumulo ang dugo. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal ko sa kanya, ang babae naman ay nagpupumiglas dahil hindi siya makahinga.
Hanggang sa nakita kong unti unting naaagnas ang balat nito at mabilis na kumalat hanggang sa sumabog ang katawan nito at humalo sa hangin.
Pati ang buto ng babae ay tila ba tinunaw. Napaluhod ako saka yumuko at kinuyom ang aking palad dahil sa galit.
Kung iinsultuhin ako siguraduhin mo na 'wag na 'wag ang magulang ko. Dahil kaya kong pumatay para lang sa kanila.
Nakarinig ako ng sigawan matapos ang nangyari.
Iniangat ko ang mukha ko saka tiningnan ng masama ang babae.
"Pinatay mo ang Descendant ni Goddess Ceres! Mamamatay tao ka!!" Turo sa akin ng isang babae sa tingin ko ay kaibigan ito ng babae.
"Pinatay mo ang kaibigan namin!!"
Tumayo ako saka binigyan ito ng isang ngiti.
"Don't mess with the wrong person." Pagkasabi ko 'nun ay tumalikod na ako saka iniwan ang dalawa. Ang ibang nadadaanan ko ay kusang tumatabi sa daan o kaya ay nag-iiwas ng tingin.
Hindi pa ako nakakalayo ay may humarang na lalake sa daraanan ko at nakangisi pa ito. Mas matangkad ito sa akin kaya naman tiningala ko ito habang magkasalubong ang dalawa kong kilay. Badtrip to ah. Ngayon pa lang ay parang gusto ko ng bumalik kung saan man ako galing dahil kung magtagal pa ako rito ay madami na ang maibawas ko sa populasyon.
Okey lang din naman sa akin tutal mga wala rin namang kwenta ang pinapatay ko.
"Nakita ko ang ginawa mo. Sumama ka sa akin." 'di pa man ako nakakasagot ay agad na hinawakan niya ang braso ko at hinila.
"Teka nga!" Sigaw ko sabay higit ng kamay ko.
"Halika na." mahinahon na sabi nito at akmang hihilain nanaman ako.
"Where are you planning to bring me? Tulad ba 'to sa mga nababasa sa w*****d o sa mga fantasy story na dadalhin ako sa isang school tapos pag aaralin ako. Madidiscover ang kapangyarihan tapos malalaman na ako pala ang nawawalang anak ng reyna at hari. Sagot?!! Sa school mo ba ako dadalhin?!" Tiningnan ako ng lalake na para bang tinubuan ako ng pempem sa noo.
"What the hell are you talking about?"
Tinaas ko ang kilay ko saka tinakip ang middle finger ko sa ilong
"What the hell are you doing?"
"Wow pare English. Magtagalog ka nasa Pilipinas tayo! Saka 'wag mo akong mahell-hell jan. Bakit si satanas ba ako?"
"Actually, nasa Greece tayo ngayon." literal na napanganga ako dahil sa sinambit niya.
"Greece?!!!!!!!! Weh? Niloloko mo ako eh."
Umiling-iling na lang ito saka hinila ako uli.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Kalmadong tanong ko.
"Sa bahay, I'll introduce you to my parents as my wife."
Hmm as wife lang naman pala. Ano nga sa tagalog ang wife, asawa diba.
Ipapakilala ako bilang asawa.
Asawa?
Tiningnan ko ang lalake saka tumigil. Buti naman at tumigil din ito.
"Wife? As in asawa?"
"Hindi, wife as in kapatid. Are you dumb?"
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Bakit mo ako ipapakilala na asawa eh ni hindi mo nga ako kilala. Are you crazy?" Iniikot ko pa ang aking mata at pinag-cross ang aking braso sa harap ng dibdib ko.
"E'di magpapakilala ako sayo. Ako si Ephriem Dynus. Ikaw anong pangalan mo?"
"Ang panget naman ng pangalan mo." Pabalang na sagot ko.
"What's your name?"
"Bakit ko sasabihin?"
"Because you'll going to be my wife."
"Wife my ass! Jan ka na nga nakadrugs ka ata eh." Pagkasabi ko 'nun ay tumalikod na ako pero isang iglap lang ay naramdaman ko ang pag angat ko sa ere at halos blurry na ang paningin ko sa bilis ng pagtakbo ng lalake.
Ang nakakainis pa, binuhat nga ako pero ang ulo ko ay nasa likod nito.
Anak ba to ni Hermes? Nahihilo na ako. Hinampas ko ang likod nito.
"Slow down you jerk!!" Hinampas ko pa ang likod niya ng dalawang beses.
"Shut up!"