Chapter 1

1823 Words
Armania Minerva Lakad-takbo ang ginagawa ko sa hallway habang papasok sa aming paaralan. Hindi pa naman ako late ngunit na-trip-an ko lang na gawin ito. Kumbaga parang exercise ko na rin dahil hindi ko nagawang mag-ehersisyo kaninang umaga dahil naging abala ako sa gawaing bahay. Nag-iisa na lang ako sa buhay at walang kasama kaya sarili ko lang ang aasahan ko—mula sa aking pagkain at mga personal na pangangailangan. Dahil napagod ako sa kakatakbo ay tumalon-talon uli ako. I know I am acting like a child, pero gano'n naman talaga. Kailangan din natin na magsaya upang hindi maging kulubot ang ating mga balat. Labinpitong taong gulang pa lang ako kaya ayos lang 'to, pagdadahilan ko sa aking isipan kahit na alam ko sa sarili kong dapat akong umakto ng maayos. Nawili ako sa kakatalon ko pero hindi ko alam kung saan ang magiging klase ko. Hindi ko batid kong bakit lagi kong nakakalimutan ang aming silid. Tumigil muna ako sa isang tabi saka kinuha sa bag ko ang Registration form. Doon kasi nakalagay ang schedule ko at kung saan ang building. "Hmmm, first class. Room 305. Subject Mythology," mahinang basa ko sa nakasulat sa registration form. 305? Saan nga 'yon? Mag-dadalawang linggo na ako rito subali't 'di ko pa rin alam ang pasikot-sikot. Ikaw ba naman ang mag aral sa napakaraming obstacles. Kulang na lamang ay lagyan nila ng mga makukulay na gulong ang pasilyo. Hindi ko alam kung anong trip ng administration at ginawa na ganito ang school. Bukod sa napakaraming hagdan ay madami rin ang shortcuts pero sobrang nakakalito. Bitbit ko ang Registration form ko at hindi na ito ibinalik sa loob ng bag dahil baka makalimutan ko nanaman ang daan. Paliko na sana ako ng biglang may humila sa akin dahilan upang muntikan na akong sumigaw sa pagkagulat. Paglingon ko, nakita ko ang isang babaeng may kulay asul na mata. Mas matangkad lang ito sa akin, siguro mga isang pulgada, 5'6 ang height ko kaya nasisigurado ko na 5'7 'tong kaharap ko. Maputi ang balat nito at halatang galing sa mayamang pamilya. Balingkinitan din ang kanyang katawan. Mabuti pa ay tanungin ko kung ano ang kanyang kailangan. "What do you need Miss?" "Saan ang room 305? Naliligaw kasi ako. Hindi ako inihatid ng guard." Nabigla ako dahil nagtagalog ito. Tsk tsk! Pinahirapan pa ako sa, "What do you need Miss, eh, marunong naman palang magtagalog," pagrereklamo ko sa aking isipan. 'Sino ba nagsabing mag english ka?' 'Manahimik ka brain, baka ibigay kita sa zombie.' 'E'di mawawalan ka ng utak. Nag iisip ka ba?' Natigilan ako. Oo nga 'no. Kapag binigay ko ang utak ko e'di mawawalan ako at magmumukang bobo. 'Matagal ka ng bobo Mania.' Bakit ba kasi epal 'tong utak ko? Gosh! nakakabaliw. Imbes na kausapin ang sarili ko ay dinaldal ko na lang itong si... Wait lang. Sino nga ito? Tinuro ko ang kanyang mukha kaya natigilan siya. "Ahh, teka ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa magandang dilag na kaharap ko. "Ako si Liana Logia. Transferee galing sa Russia. Kakauwi lang namin kasi may nangyaring insedente doon." Hindi ko na tinanong kung ano ang nangyari dahil hindi naman ako member ng SMT 'Samahan ng Malisyosang Tsismosa' organisation. "Hindi naman galit ang parents mo sa Letter L nuh?" kunwa'y tanong ko. "Bakit naman?" may pagtatakang tanong niya rin. "Kasi LL ang initial mo. Ano bang middle name mo?" "Ortega," mabilis niyang sagot. Liana Ortega Logia stands for LOL! Abaaaa, kay gandang pangalan. "LOL." Natawa kaming dalawa dahil sa initial nito. Mabilis na napalagay ang loob ko kay Liana mukhang mapagkakatiwalaan naman ito. Saka pareho kami ng taste. Pagkarating namin sa room ay hindi pa nag-uumpisa ang klase na siyang ipinagpapasalamat ko. Napagdesisyunan ko na maupo sa pinakadulo, malapit sa bintana. Bakit dito? Para madali kong makita ang nangyayari sa paligid. Observer kasi ako, hindi lang halata. Magkatabi kami ni Liana may isa pang upuan sa kanan niya, sa kaliwa kasi ako. Pumasok na ang guro namin. Mukhang fresh graduate 'to. Nagresign na kasi ang dati naming teacher sa Mythology dahil hindi raw kami nakikinig. Ang sabihin mo nakakaantok siya magturo kaya halos lahat ng estudyante niya ay naglalakbay sa kung saan ang diwa. "Okay class, I am your new teacher in Mythology. I am Miss Urduha Sierosia. Siguro naman kilala niyo na ang isa't isa kaya hindi niyo na kailangan magpakilala pa. Let's proceed to our topic. Magtetest ako mamaya." Bigla akong nanggigil sa aming kaharap na guro. 'Kay bago-bago test agad? Heto nanaman ako at nagrereklamo sa aking sarili. Dahil nga sa Mythology ito at ulit-ulit lang itong topic na ito ay mas pinili kong tingnan ang kagandahan ng paligid kesa sa kagandahan ni Teacher Sierosia. Nasa kalagitnaan na ng klase si teacher ng napatigil ito dahil may biglang pumasok. Isang babae na blonde ang buhok at pula ang mga mata. Natural kaya 'yan o baka contact lenses lang. Bagay naman ito sa kanya. Magkasing tangkad lang siguro kami nito, Ngunit magkasing puti sila ni Liana. "Who are you?" naiinis na tanong ni Teacher Sierosia. Kahit ako ay maiinis kapag naputol ang sinasabi ko. "Venia Theama, transferee. From Greece. Can I sit now?" Taas-noong sagot ng babae kay Teacher Sierosia. Tumango lang si teacher dahil nabigla sa paraan ng pagsagot ni Venia. Mukhang maldita ata si new classmate. Inilibot nito ang paningin saka dumeretso sa tabi ni Liana at doon umupo. Wala na kasing ibang upuan at 'yan ang natira. All in all, twenty kaming magkakaklase. Tumingin ako kay Venia. Ang ganda talaga. Buti na lang at hindi ako ang sa gitna nilang dalawa. Mukha silang mga kandidata para sa isang patimpalak at ako mukhang alalay, na talino lang ang ambag. Hindi naman kasi ako kagandahan, ay maganda rin naman ako sa dilim nga lang. "What are you looking at?" biglang tanong ni Venia. Teka? Ako ba? Tumingin ako sa paligid at hinanap kung sino ang kanyang kinakausap. Humarap siya sa'kin na siyang ikinagulat ko. "Bakit ka nakatingin?" marahang tanong ko. Napanganga ako paglipas ng ilang sandali nang maisip ang dahilan kung bakit siya nakatingin sa akin. "Ahhhh ako nga," bulong ko. Bahagya akong natawa saka tumingin ng tuwid sa pula niyang mga mata. "Nagagandahan lang ako sayo." Ang buong akala ko ay iirapan niya ako pero ngumiti lang siya sa'kin. Ang cute niya kapag ngumiti, para kang nakakakita ng anghel na bumaba mula sa langit. Ilang sandali ay nag-usap na kaming tatlo sa likod tungkol sa ilang impormasyon sa aming mga sarili. Hindi kami nakikinig sa lecture. Para saan pa? Nalaman din namin ni Liana na Emperial ang middle name ni Venia at nalaman nila na Theodor ang saakin. Kaya naman nag hahagikgikan kami rito sa likuran. Nakakatawa kasi ang mga initial namin. Kay Liana ay LOL, Kay Venia ay VET, At sakin naman ay ATM. Natigil kami sa pagtatawanan ng biglang tinawag ni Teacher Sierosia ang last naming tatlo. "Miss Minerva , Logia at Theama! Stand!" Agad na tumayo naman kaming tatlo at nag-iwas ng tingin sa aming guro. Unang tinanong ni Teacher ay si Venia. "What is the Roman name of Artemis?" Walang pagdadalawang isip na sumagot si Venia. "Obviously, the Roman name of Artemis is Diana. Artemis is the goddess of hunting and childbirth." Puno ng confidence na sagot niya at hindi man lang kumurap. "Good, you may sit. Now miss Logia what is the meaning of your last name." "Ahm, Lógia is the Greek term which means words." Ngumiti pa si Liana bago umupo. Sa aming tatlo siya ang good girl, iyon ang natitiyak ko. "Good. Miss Minerva, do you know Mania?" Mania? Sino yan? Nick name ko 'yan, eh. Armania in short Mania, pero mukhang narinig ko na 'yan. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig ang pangalan niya, ngunit may nararamdaman akong kakaiba sa aking dibdib matapos niya sambitin ang pangalang iyon. "So mukhang hindi alam ni Miss Minerva. Class do you know Mania? Tsk! Miss Minerva kung 'di ka nakikinig kindly leave the room." Hindi ako nakinig kay Teacher Sierosia. Mania, Mania, sinubukan kong hukayin ang aking utak hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko. "Mania or Manea the goddess of the dead. In Greek mythology she's known to be the goddess of insanity and madness," mahinang sabi ko. Natahimik ang buong klase pati si Teacher Sierosia. "O-key? You may sit." Umupo ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may nawawala sa akin. Sino ba kasi si Mania na 'yan. Nawalan ako ng gana sa pakikipagkwentuhan kina Venia at Liana dahil sa pangalan ni Mania. Napapaisip ako hanggang sa ngayon, kahit nakalipas na ang ilang minuto. Siya pa rin ang tumatakbo sa aking isipan. "Ang nakaraan mo ay may kinalaman sa iyong pangalan." Ito ang sinabi sakin ng matandang naligaw sa gubat na tinitirahan ko. Hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi. Ang creepy ng dating niya. Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya sa'kin. Parang sirang plaka. "Ang nakaraan mo ay may kinalaman sa iyong pangalan. " Tama na. Hinawakan ko ang aking batok saka bahagyang pinilig ang aking ulo. "Ang nakaraan mo ay may kinalaman sa iyong pangalan." Naguguluhan na ako! "Ang nakaraan mo ay may kinalaman sa iyong pangalan." "Ang nakaraan mo ay may kinalaman sa iyong pangalan." Napahawak ako ng mahigpit sa ulo ko. "Tama na please, tama na," mahinang usal ko. Bigla akong tinapik ni Liana kaya naman parang nakaahon ako sa mailalim na dagat. Habol ko ang aking hininga at hawak ko pa ang dibdib ko. "Okey ka lang ba?" Tumango ako binigyan naman ako ni Venia ng tubig. Agad ko itong kinuha at ininom. "Salamat sa inyo." "Ano ba kasing nangyari? Mukhang malaki ang tama ni Mania sayo." Natigilan uli ako ng marinig ko ang pangalan niya. Nakita ko naman na hinampas ni Liana si Venia sa braso. "Aray naman LOL!" "Manahimik ka VET!" Iwinaksi ko ang aking iniisip. Wala namang kwenta. Imbes na mag isip ay inaya ko ang dalawa sa garden. Tutal mamayang hapon pa ang next class. May dalawang oras pa kami para sa susunod na klase. "Buti na lang pala at madami ang dinala kong pagkain. Here, ako ang magluto nito." Saka binigay ni Venia sa amin ang niluto niyang lasagna. Kinuha ko ang mango float sa bag ko at sabay naming inilapag ni Liana ang dala niya. Sa kanya naman ay isang Tupperware ng macaroni salad. Nagkatinginan kaming tatlo. "Is it a coincidence? Tara kain na tayo." Natatawang anyaya niya sa amin. Pinagsaluhan namin ang dala naming pagkain. Masarap ang pagkakaluto ni Venia at Liana. Pinuri din nila ang gawa kong mango float. Pagkatapos naming kumain ay sabay sabay din kaming dumighay saka nagkatinginan at nagtawanan. May kung ano sa aming tatlo na nakakonekta. Ngunit hindi namin batid na may rason kung bakit kaming tatlo ay pinagtagpo ng tadhana. May mas malalim na dahilan kung bakit konektado kami sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD