Venia "Paano ba 'to?" Dinig ko ang mahinang tanong ni Liana sa sarili nito habang tinitingnan ang hawak na gintong balat ng puno. "Clue ba ito?" Tanong nito na narinig ata Ephriem ni kaya sumagot ito. "Pwede." "Code ba ito?" Hirit ni Liana. "Pwede." "Mahirap ba ito?" "Pwedeng oo, pwedeng hindi" sagot ni Hariem. "Sa Pinoy henyo ba tayo?" "Pwede?" Sa pagkakataong ito ay si Orcelos ang sumagot. "Mahal mo ako?" "Hindi." sabay-sabay na sagot namin sa tanong ni Liana kaya napasimangot ito. Tinapik ko naman ang balikat nito. "Ok lang yan. Maganda ka naman tanga nga lang." "Akin na nga ito." sambit ko at kinuha ang bagay na hawak nito at umupo. "May papel ba kayo?" Ibinigay ni Armania sa akin ang notebook nito at ang lapis. Napangiti ako. Kahit saan ay hindi mawawalan si Armania

