Ephriem Napalingon kaming tatlo sa direksyon nila Armania dahil nakarinig kami ng malakas na pagsigaw na agad ding nawala. Kinuha ko agad ang gamit ko at nagmamadaling tumakbo. Hindi dapat na malagay sa alanganin ang tatlo. Sumunod din sila Hariem sa akin pero ako ay nauna dahil sa aking abilidad. Naabutan ko si Armania na hawak ang espada nito habang kaharap ang mga Naiads o mas kilala bilang mga water nymphs. Nakakakilabot ang mga wangis nito. Binilisan ko ang pagtakbo ng makita ko na hahampasin sana si Armania sa likod, bago pa lumapat ang spear na hawak ng isang Naiad ay napigilan ko na ito. Sinaksak ko ito gamit ang dagger na hawak ko. Napalingon ako kay Armania ng bigla itong sumigaw. Hinihila ito ng mga Naiads pailalim sa tubig. Sumisigaw ito hanggang sa tuluyan na silang mawala a

