Gods and Goddesses that are mentioned in early chapters
Poseidon (Neptune) god of the sea and earthquake.
Hades (Pluto) god of the dead. King of the underworld.
Hermes (Mercury) god of commerce, eloquence, invention, travel.
Messenger of gods. Son of Zeus and Maia.
Selene (Luna) goddess of moon. Mother of the vampires
Artemis (Phoebe, Diana) goddess of moon, hunting and nursing.
Often portrayed as a virgin huntress.
Also called as Cynthia from her birthplace "Mount Cynthus in Delos."
Apollo's twin sister. Daughter of Zeus and Leto.
Ceres (Demeter) goddess of agriculture/harvest. Goddess of corn. Daughter of Cronus and Rhea.
Mania (manea) goddess of insanity and madness. Goddess of dead.
Apollo (Phoebus) god of the sunlight prophecy, music and poetry. Twin brother of Artemis.
© Dictionary and Mythology books.
( Kindly inform me kung may mali sa information)
Armania
"Mania!" Dinig kong sigaw ni Venia sabay sipa ng pintuan ko kaya naman bumagsak ito sa sahig.
Napatingin naman ako sa nasira niya, kawawang pintuan.
Ipinikit ko ang mata ko at hindi pinansin ang dalawa.
"Gumising ka Mania!" Sigaw nila ni Liana.
Tumalikod ako sa dalawa at tinakpan ang tenga ko ng bigla na lang may komontrol sa katawan ko.
"Now move," utos ni Liana habang tinitingnan ako. Ang buhok nito ay nag iba ng kulay na palatandaan lamang na ginamitan ako nito ng kapangyarihan.
Kahit na anong pigil ko sa paa ko ay hindi ko magawa. "STOP THIS LIANA!!"
"Stop." Muli niyang utos at bumalik sa dati ang buhok niya.
"The hell? kailangan na gamitan ako ng ability niyo?"
"Shut up mania!" sabay na sigaw ng dalawa saka umalis na pero bago ako pumasok sa cr para maligo ay pumasok uli si Venia.
"May pinagagawa sa atin si Era kaya maghanda ka ng gamit mo sa paglalakbay."
Tumango lang ako saka naghanda upang maligo ng matapos ay agad kong inayos ang gamit ko. Nagsuot ako ng short saka itim na sleeveless at jacket. Nagsuot na lang din ako ng boots na lampas tuhod ang haba.
Bago lumabas ng kwarto ay kinuha ko ang isang kutsilyong nakita ko at itinago sa boots na suot ko.
Paglabas ko ay nakita ko ang dalawa kausap sina Orcelos. Napataas ang kilay ko ng mapansin na nakasuot ng dress si Liana. Seryoso? Maglalakbay kami nakasuot siya ng dress tiningnan ko si Venia.
Mabuti na lamang at matino ang isang ito maayos ang pananamit.
"Tara na." sabi ko sa kanila. Sabay naman silang lahat na lumingon sa akin at tumayo saka naglakad na. Walang nagsalita kahit isa sa amin.
"Teka?! Kasama 'yang mga lalake na iyan?" Tanong ko sa kanila.
"Uhmmm?" Umaktong nag iisip si Liana saka ngumiti sa akin. "Syempre naman. Para may alalay tayo hihihi." sagot nito saka tumakbo papunta kay Hariem at tumalon-talon na parang tipaklong. Isip bata talaga. Si Orcelos naman ay sinabayan si Venia sa paglalakad napatingin ako kay Ephriem ng akma itong tatabi sa akin.
"Lumayo ka ayoko ng kasama."
"Sungit naman nito." Sumimangot pa ito at tumingin sa akin ng malungkot.
Inirapan ko ito. Habang naglalakad kami ay panay ang kibo nito sa akin ngunit hindi ko ito pinapansin. Ayoko na maubos ang enerhiya ko sa pagdaldal sa isang walang kwentang bagay.
"Teka." Mahinang usal niya at iniharang ang kamay sa harapan ko kaya napatigil kami narinig ko naman ang pag aray ni Liana dahil sa pagkakabunggo nito sa likod ko.
"Why?" Mahinang tanong ko. Subalit 'di pa ito nakakasagot ay sumigaw si Hariem.
"Yuko!!" Dahil dito ay agad na hinawakan ko ang ulo ni Liana saka inakay payuko sabay hablot ng punyal na nasa boots ko.
"She's hundred meters away from here." bulong ni Venia na ngayon ay nasa tabi ko na.
"What is her ability?" Tanong ko kay Venia.
"Fire. No it's not a fire more like a light. A blazing light."
"Siguro descendant ni Apollo."
"Yumuko kayo may kasama siya!" Sigaw ni Venia at hinila ako papunta sa likod ng puno.
Inihanda ko ang punyal ko at pinakiramdaman ang sarili ko. Ilang sandali ay naramdaman ko na nagising ang kapangyarihan ko kaya naman isinalin ko ito sa kamay ko. Itinaas ko ng bahagya ang hawak kong punyal. Umiilaw ito ng dilaw.
Nakarinig ako ng malakas na pagsabog agad na nilingon ko sina Liana na ngayon ay may tubig na nakapalibot. Buti naman at naprotektahan siya ni Orcelos.
Si Hariem naman ay nakita ko na nag iba ng anyo. "Nag iba ang wangis mo Mania." sambit ni Venia.
Napansin ko na naka suot na ako ng isang kulay itim na bestida at mas lalong humaba ang buhok ko.
"Lumayo ka Venia." agad naman itong sumunod sa akin at dumistansya. Saktong paglayo ni Venia ay mas dumaplis sa kamay ko at nakita ko ang isang babae na may hawak na malaking espada. Dinagdagan ko ang pwersa ng kapangyarihan sa kamay ko kaya humaba ang punyal na hawak ko.
Ngumisi sa akin ang babae saka muli akong sinugod. Patuloy ito sa pag atake sa akin ako naman ay iwas lang ng iwas.
"Bakit ka umiiwas?!" Galit na sigaw niya sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay saka sinimangutan.
"'Pag hindi ako umiwas matatamaan mo ako na maaaring ikamatay ko. Nag iisip ka ba?!"
"b***h!" Naiiritang sigaw niya sa akin.
"Thank you." Balewalang sagot ko at sa pagkakataon na ito ay ako na ang sumugod at natamaan ito sa balikat at leeg.
Agad akong naghinayang at daplis lamang ang natamong pinsala nito.
Nang may pumasok na ideya sa isip ko.
Hinayaan ko itong sumugod sa akin at 'di ako lumaban. Nang isasaksak nito sa akin ang espada nito ay tumagilid ako kaya dumeretso siya, agad na sinipa ko ang tiyan nito saka sinipa ang tuhod niya kaya pabaligtad itong bumagsak. Subsob ang mukha sa lupa, agad na hinawakan ko ang leeg nito at nagpalabas ng kapangyarihan. Nagpupumiglas ito sa higpit ng pagkakahawak ko hanggang sa maagnas ang katawan nito at tuluyan na naglaho ng umihip ang hangin.
Ipinikit ko ang mata ko ng biglang may mainit na bagay ang dumapo sa likod ko. Tuluyan akong napasubsob sa lupa. Dinig ko ang sigawan nila Venia at Liana. Siguro ay nakita nila ako sa ganitong estado.
"Pinatay mo ang kaibigan ko, ngayon ay gagawin ko rin ang ginawa mo." gigil na sambit nito at hinawakan ang leeg ko.
Napangiti ako hanggang sa naramdaman ko na bumabalik ang lakas ko. Agad na humarap ako rito at hinawakan ang leeg niya at buong pwersa na tumaligid ngayon naman ay nakasakay ako sa tiyan nito habang hawak ang leeg nito.
Kita ang takot at gulat na nakarehistro sa mukha nito. Tumawa ako ng malakas "Did I surprised you?" Tanong ko saka tuluyan na binali ang leeg nito gamit ang kamay ko. Nang mamatay ito ay humarap ako sa mga kasama ko na napapalibutan ng tubig.
Napaatras naman silang lahat at kita ang takot sa mata nila. Siguro dahil sa kanilang nasaksihan.
Hindi ko naman sila masisisi.
Tumayo ako saka pinulot ang punyal kong tumilapon saka ibinalik ito sa dati nitong anyo.
"Kailangan na nating magpatuloy." Turan ko at nauna sa paglalakad.