THIRD PERSON Habang nag lakad lakad si Yell sa kalsada na nag exercise nakaramdam siya ng pangangalay ng kanyang baywang. Ngayong buwan na ang kabuwan niya kaya anumang oras lalabas na ang kanyang anak. Baliwalain lang sana Yell dahil ang akala niya normal lang naman. Sapagkat sa tuwing umaga ganito ang kanyang naramdaman. Ngunit bigla siyang napangiwe ng tuloy-tuloy na ang sakit ng kanyang balakang. Naramdaman niya din na may basa sa kanyang hita. Kaya sumigaw siya upang marinig siya ng kanyang mga kapatid sa loob ng kanilang bahay. Magkasama naman sila kanina ni Ella, kaya lang kumuha si Ella ng tubig para kay Yell. Habang palabas si Ella narinig niyang sumigaw ang kanyang Ate Yell kaya tinawag niya si Yenna. Mabilis na magkasunod na lumabas sina Yenna at Ella kasunod din ang kanilang

