THIRD PERSON Pagkatapos mag-usap ni Nathaniel at Sam Sung magkasabay sila na lumabas ng condo ni Nathaniel. Naging maayos ang kanilang plano para mamaya sa kasal ni Sam Sung at Liza. Nag convoy sila papunta sa simbahan. Nauna si Sam Sung habang nakasunod naman ang sasakyan ni Nathaniel. May driver si Nathaniel kaya sa likuran bahagi siya ng sasakyan umupo. Nang bumyahe na ang kanyang driver. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan ang picture ni Yell. Kanina habang tulog si Yell kinunan niya ng picture habang yakap niya ito at pareho'ng walang damit na suot. Tanging comforter lamang ang nakatakip sa hubad nilang katawan. Nakangiti si Nathaniel habang hinahaplos ang picture ni Yell sa kanyang cellphone. Habang nasa kalagitnaan sila ng kalsada. Laking gulat niya, ng biglang napa pr

