THIRD PERSON Parang ayaw humakbang ng mga paa ni Yell papunta sa mesa kung saan sila uupo. Mabuti nalang nakaalalay sa kanya si Tin at Gov. Sebastian. Hindi niya lubos akalain na sa kanilang pagkikita muli ni Nathaniel ikakasal na pala ito sa ibang babae. Kahit gusto niyang bumalik sa kanilang probinsya dahil hindi niya kaya na makita ng matagal si Nathaniel habang may kasamang babae. Pero nahihiya naman siya kay Tin at Gov. Sebastian dahil sinasabi nila na sila ang bahala. Nang makaupo si Yell sa upuan kaagad niyang ininum ang isang basong tubig para pakalmahin ang kanyang sarili. Samantala habang nilibot naman ni Nathaniel ang kanyang mga mata sa buong paligid para tingnan ang kanilang mga bisita. Nang dumako ang kanyang paningin sa kanyang Tita Tin at Tito Sebastian. Biglang bumilis

