THIRD PERSON Nagising si Nathaniel na maayos na ang kanyang pakiramdam. Pagtingin niya sa paligid alam niyang nasa loob siya ng ospital dahil may swero ang kanyang kamay. Nakita niya si Sam Sung at Liza na nakahiga sa mahabang sofa na magkayakap. Kahit malungkot si Nathaniel sa nangyari, napangiti siya dahil lubusan nang naging masaya si Liza at Sam at tanggap sa si Sam ng mga magulang ni Liza. Napapikit siya ng maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang mga magulang. Hindi niya lubos akalain na ganun ang gagawin sa kanya. Hindi pa siya lubusan magaling pero nagawa na siyang ipa bog-bog ng kanyang mga magulang. Gusto niya ng lumabas para makapunta na sa Zamboanga. Gustong-gusto niya ng mayakap si Yell at makita ang kanilang anak. Mapait siyang napangiti ng maalala ang sinabi ng kanyang Tita

