YELL "Ate, nandito na tayo. Relax ka lang, inhale, exhale lang Ate, kaya mo iyan." Pampalakas loob ni Yenna. Nasa harapan na kami ng simabahan. Pero hindi ako mapakali na iwan. "Mauna na ako sa inyo mga Ate, ako na ang bahala sa loob. Maiwan ko na muna kayo ni Ate Ella." Paalam ni Yenna. Yumakap ako sa kanya at nagpasalamat. Paglabas ni Yenna sa loob ng sasakyan. Hinawakan ni Ella ang aking kamay. "Kalma lang Ate. Malapit na mag umpisa ang kasal. Congratulations ulit Ate. Masayang masaya kaming lahat para sa inyo ni Nathaniel. Kahit na wala dito ang magulang ni Nathaniel. Hangad namin ang kaligayan niyong dalawa kasama si Junior. Sige na mauna na kami ni Lando sa loob. Hintayin mo nalang ang sasabihin ng coordinator. Naghihintay na rin siguro si Tita Tin at Tito Sebastian sa loob." P

