YELL "Love relax, don't be nervous. Mabait si Tita at Tito. Excited na nga silang makilala ka, although kilala ka naman na nila. Pero gusto ka pa rin nila makilala bilang girlfriend ko, kaya relax ka lang. Kasama mo ako, hindi kita pababayaan." Pagpakalma sa akin ni Nathaniel, habang papunta kami sa mansyon ni Governor Sebastian. Pinagsiklop niya ang aming kamay, habang ang isa niyang kamay ay nasa manibel. Sa halip kasi na pupunta kami nuong nakaraang linggo ay hindi natuloy dahil hindi ko pa talaga kaya maglakad. Nakahihiya naman kung pa ika-ika ako'ng maglakad sa kanilang harapan. Kaya ngayong araw, na tuloy na talaga. Alam naman daw nila na nagkasakit ako, kaya hindi kami nakapunta n'ong nakaraang linggo. Linggo ngayon kaya oras ng dinner kami pumunta at duon daw kami matutulog, kaya

