THIRD PERSON Masaya ang buong pamilya habang nag salo-salo sa hapag kainan. Sobrang ingay nila lalo na ang mga bata. Parang walang nangyari na hindi pagka intindihan n'ong mga nakaraang buwan. Dahil puro biruan lang sila habang kumakain. Ang mga bata naman naglalaro sa sahig dahil tapos na silang kumain. Malawak ang dining area at katabi ang malawak na living room. Kaya ayos lang na maglaro ang mga bata. Panay ang kantiyaw nila kay Nathaniel n'ong napag-usapan nila nuon ang tungkol na may amnesia pa si Nathaniel at nag panggap naman na personal assistant si Yell. Na kahit hindi niya nuon naalala si Yell pero hindi niya tinantanan kaka dilig. Kaya tuloy parang kulay kamatis ang buong mukha ni Yell. "Alam niyo ba? pupuntahan ko sana si Yell sa kwarto niya para yayain sana na mamasyal.

