YELL "Gusto mo pa Ate? Marami pa kaming kinuha ni Lando. Dinamihan talaga namin para kung sakali na gusto mo pa. Mayruon kaagad." Wika ni Ella habang kumakain ako ng duhat na hilaw. N'ong nalaman ko ang nangyari kay Nathaniel at nawalan ako ng malay sa bahay ni Tito Sebastian. Nagkasakit ako at nanatili sa ospital ng isang linggo dahil hindi ko nakayanan ang nangyari kay Nathaniel. Wala akong gana sa lahat iyak lang ako ng iyak. Ayaw ko'ng kumain at gusto kong mapag-isa. Ayaw ko silang kausapin lahat. Nagkaruon ako ng depression sa nangyari. Pero sa tulong ng mga kapatid ko, ni Tito Sebastian at Tita Tin. Unti-unti ako'ng gumaling. Araw-araw nila ako'ng binibisita. Ina-update din nila ako tungkol sa kalagayan ni Nathaniel. Gustuhin ko man na pumunta sa America pero sobrang layo. Saka hi

