THIRD PERSON Pagdating ni Yell sa kanilang bahay nakaramdam siya kaagad ng lungkot. Hindi muna siya pumunta sa kanyang tindahan. Gusto niya munang mapag-isa. Pakiramdam niya malaki ang nawala sa kanyang pagkatao sa pag-alis ni Nathaniel. Kahit anong pilit niya kasi na huwag malungkot hindi niya maiwasan. Habang nakaupo siya sa sofa tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niya itong tiningnan. Napangiti siya nang makita na tumatawag si Nathaniel. Kaya kaagad niya itong sinagot na naka on ang camera. "Misis ko! Nasa loob na kami ng eroplano. Kamusta ang byahe mo pabalik sa bahay mo? Miss na kita sobra." Bungad ni Nathaniel pagka sagot ni Yell ng tawag. Napangiti naman si Yell dahil parang bata si Nathaniel dahil nagpapa cute ito sa camera. "Mag-ingat ka mister ko! Miss na rin kita kaaga

