Chapter 2

1067 Words
Liv "We meet again No One." Nakakaloko ang ngiti nya sa akin. Remembering him from Juilliard and the emotions he gave me made my heart beat faster. Mabilis akong tumuwid ng tindig at lumayo sa kanya. Nang mabalanse ko ang sarili ko ay naglakad ako palayo sa kanya at naalala ang susunod kong klase. Napansin kong sumusunod sya sa akin. Sinikmatan ko sya. "Stop following me!" Mas mabilis akong naglakad pero ng lingunin ko sya ay lalo pa syang natawa. Nakakainis talaga ang lalakeng ito. "I am not following you. I am going to class too." Paliwanag nya at hindi pa rin natatanggal ang ngiti at mukhang nakaplaster na. "Don't talk to me." Gigil na sabi ko. "Ikaw kaya ang nauna." Palapit ng palapit ang boses nya at ng tumigil ako para harapin sya ay muntik na naman akong mapabangga sa kanya. Talagang may pahabol pa. "You grew up to be such a beautiful woman." Pabulong nyang sabi sa akin na nagpatindig ng mga balahibo ko sa katawan. "Ayyy! Ano ba?! Lumayo ka nga." Sinamaan ko sya ng tingin. I leaned backwards a bit as he was too close to me. "Stop following and don't talk to me, get it?" I turned around and left him. I heard him chuckling. Nakarating ako sa classroom at naupo. May isang minuto na lang ako at male-late na sana. Hingal na hingal ako. Binuksan ko ang laptop ko at nag log in. Ang mga powerpoint ng professor namin ay naka upload sa website ng NYU at naka lock ang bawat chapters every week hanggat hindi pa iyon ang lesson para sa araw ng klase. Nakarinig ako ng mga yabag at tumahimik ang klase. Our professor just walked in at may kasama syang lalake din. Hindi ko masyadong makita dahil natatabingan ang mukha nya ni prof. At ng humarap sya sa amin ay nagulat pa ako ng makita si Oliver. Teacher din ba sya? Pero hindi naman sya mukhang matanda ah. I was sitting out front kaya kitang kita nya ako agad. Halos nasa mismong tapat ko sya at nginitian nya ako. Gaaaaaaah! This guy irritates the hell out of me. Pero aminin mo, he's irritatingly hot too. Sh*t! I raised an eyebrow at him and gave a smirk. Nagfocus ako sa sinasabi ni Prof. "Good morning all. Today I have someone with me. His name is Oliver Russo. He's a graduating student of Architecture and tops his class. He's going to sit in and observe my class today." Nakarinig ako ng mga bulungan lalo na sa mga babae at puro papuri. Ang daming adjective at wala silang pangit na description. Puro hot, gorgeous, handsome, pretty boy at meron pa ngang wild in bed? Natikman na nya? Tang*na. He walked past me at pasimple pang pinaglandas ang daliri nya sa braso ko sa arm chair. That sent shivers down my spine. I looked at him but he didn't look at me. I saw him sporting a wide grin on his face though. Lalo na akong nag ngitngit. Habang naglelecture ay hindi ko maiwasang lumingon dahil nag iinit ang pisngi ko at parang may nakatitig sa akin. Nang lumingon ako sa kaliwang gilid mula sa baba pataas ay nakita ko syang nakatingin sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay kumindat pa at tumawa. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at ibinalik ang attention sa screen ng laptop ko. Ang t***k ng puso ko ay walang tigil ang pagpintig ng malakas. Damn it! Kung araw araw na ganito ay baka magkasakit na ako sa puso. Grrr! Nang matapos ang klase ay bilis bilis na nagpulasan ang mga kaklse ko. Ako naman ay mahaba ang break at mamaya pang alas dos ang sunod. Alas onse pa lang. Isinilid ko sa backpack ko ang laptop ko at isinukbit sa balikat ko pagkasara. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala sya. Ang bilis namang kumilos nito. Justice League lang ang peg? Maka ala Flash ay inam! "Hey." bati nya sa akin. "Hey yourself. Out of my way. I have to go." padaskol kong sabi sa kanya "Mamaya pa naman ang klase mo, sabayan mo na akong mag snack." inayos nya ang sukbit ng backpack nya sa balikat. Ako naman ay nagulat. Bakit alam nya ang schedule ko? "At paano mo naman nalaman na mamaya pa ang sunod kong klase?" nakakunot ang noo ko. "Wild guess?" nakangiwing sabi nya sa akin. "Wild guess my ass! Tabi!" Pero hindi sya umali doon at wala ng tao dito sa classroom. Kung lalakarin ko naman ang kabilang exit ay mahaba habang baybayin iyon at tinatamad ako. "Your ass is absolutely great." plain nyang sabi sa akin. "Oliver!!" nang gigigil kong sabi sa kanya. I had to call him out. Palagi na lang syang may pang bara sa mga sinasabi ko. "Ah! So you remember my name from Juillard?" nakaumis na sabi nya Nagsinungaling ako at umiwas ng tingin saka ko sya tiningnan uli sa mata. "No! Of course not. Sinabi ni prof ang pangalan mo kanina, remember??" He chuckled. "Okay, let's say I believe you. Now, will you get some snacks with me. My next class is at 1pm. Keep me company." "Anong tingin mo sa akin alalay mo? Keep me company?? Psh!" Iba rin ang tama ng isang ito. Kumunot ang noo nya. "May regla ka ba? Bakit ang sungit mo?" I gasped in horror. Regla talaga ang usapan? "Wala ka na ba talagang matinong sasabihin sa akin at pati ang buwanang dalaw eh binabanggit mo pa?" Pinamaywangan ko na sya. "Matino naman ang pag aya kong gawin kang sna-- I mean kumain ng snack." He suppressed a smile at nagpipilit magseryoso. Sinamaan ko sya ng tingin. "Fine, one snack and you leave me alone." "Deal. Do you like coffee? May malapit na coffee shop dito." pinaraan nya ako at sabay na kaming naglalakad ngayon. Ang mga estudyante para sa susunod na klase sa classroom namin kanina ay nagsisimula ng magdatingan. "Sure, coffee is fine. I wanted lemon poppyseed anyway." wala sa sariling sabi ko I should have been more specific with leave me alone. Dahil ng mga sumunod na araw pagkatapos niyon ay araw araw nya akong inaabangan sa campus. At dahil hindi nya ako lubayan ay pinakibagayan ko na rin sya. Sobrang kulit at napakalambing parang sina Kuya Rich. Palibhasa ay puro mga lalake ang mga kaibigan ko dito sa New York ay mabilis ko syang nakapalagayan ng loob. Only with Oliver, I don't want him related to me or just be friends with me. I want more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD